08/12/2025
Cord Blood Banking: What You Need to Know 🤔
Ang cord blood banking ay ang proseso ng pagkuha at pag-imbak ng stem cells mula sa umbilical cord. Ganito ang proseso: pagkatapos ng delivery, kinukuha ang dugo mula sa umbilical cord at inilalagay sa isang bag na may anticoagulant, tapos ipinapadala stem cells blood bank para sa processing at storage.
Benefits:
- Potensyal na makapagpagamot ng mga sakit tulad ng leukemia at lymphoma
- Makakapagbigay ng stem cells para sa transplants at regenerative medicine
- Makakagamit ang pamilya ng cord blood para sa future medical needs
Cons:
- Limitado ang dami ng stem cells (maaaring hindi sapat para sa adult transplants)
- Mahal ang bayad sa proseso at storage (initial fee + annual fees) pero may mga flexible payments naman
- Maaga ang cord clamping, kaya nawawala ang benefits ng delayed clamping para sa baby
- Walang guarantee na magagamit ang cord blood
Should you bank your baby's cord blood? 🤔 Personal na desisyon ito. Talk to your OBGYN to learn more! 🤝