20/04/2021
Permission to post admin.
The virus that cause COVID-19 spreads primarily through droplets generated when an infected person coughs, sneezes or speaks. You can also become infected by touching a contaminated surface and then touching your eyes, nose or mouth before washing your hands. To protect yourself, keep at least 1-metre distance from others and disinfect frequently-touched surfaces. Clean your hands thoroughly and often and avoid touching your eyes, mouth and nose.
In tagalog!
Kung dika duduraan o uubuhan o malalawayan direkta ng positive patient o mahawakan ang Isang kontaminadong bagay sa pamamagitan ng pagdaan sa mata bibig o ilong ng droplets ,hindi ka mahahawa,kaya po ugaliing maghugas ng Kamay bago gawin ang mga bagay bagay,mabuti na yung may alam.
Nakakamatay yung paging mangmang higit sa lahat yung CHISMIS,CHISMIS na mas masahol pa sa epidemya na kumakalat
alamin po muna natin ang sintomas, pano ka mahahawa at pano ka makakapanghawa!
Nananawagan po ako sa mga kapitbahay at kabarangay ng aking pamilya Isa po sa kapatid ng tatay ko ang under monitoring , nagpositive sa rapid test at nag aantay ng resulta ng swab test na ginawa
Nasa bahay lang ngayun naka quarantine na buong pamilya kahit walang direct contact,malakas pa sa Kalabaw nanghihingi pa ng milktea.
Hindi porket ganun ang sitwasyon lalayuan at pandidirihan na lahat ng katabing bahay,mas masahol pa sa ketong? Seryoso?.
Hindi si Medusa yan na Pag natitigan ka magiging bato kana! 🤦
Maging mapanuri at mapagmatyag hindi yung magkakalat agad ng maling balita.
Contact tracers at regional health unit group napo kami nakikipag coordinate personally kami na mismo ang nakikipag ugnayan.
Since until now wala pa ang result ng swab test na ginawa
At hindi din kasama sa bahay ng mga magulang ko ang tyuhin ko,Isang compound lang kami.
Pero di ibig sabihin automatic na Yun.
May tanong lang ako?
Ano po PROTOCOL NG LOCAL GOVERNMENT NG bayan namin ng CABIO regarding RAPID TEST? At guidlines ng IATF CABIAO.
Bakit bigla na lang kumakalat ang balita ng person under monitoring?.
Hindi kasi magandang experience sa pamilya namin nahuhusgahan ng walang laban .
Sorry hindi ako updated dahil masyadong busy sa trabaho dito sa kamaynilaan.
If person is under monitoring palang bakit lahat kahit hindi kasama sa bahay kailangan I quarantine?
Quarantine lang walang tulong ,tulong mula sa mga kaibigan at kaanak lang aasa?
Pangalawa anong klaseng tulong ang ibibigay ng lokal na barangay at local government ng cabiao sa pamilyang maapektuhan kung isolate Nyo sa bahay at bawal lumabas kung ganun po Sana ang plano per case magkaroon ng concrete plan ang agency built and design for this pandemic
Hindi lahat ng pamilya may kakayahang manatili sa loob ng bahay ng kumain at matulog lang, hindi kami pinanganak na mayaman.
Nag construction at nagbibilad ng palay ang Isa sa kinabubuhay ng mga anak nya,ang tanong ko lang po kung i quarantine ba may maasahan ba talagang tulong ang pamilya sa lokal na gobyerno ng barangay o kami din ang gagawa ng paraan?
Isang Taon na mahigit na tayong pare pareho nakikipaglaban sa pandemyang tao lang din ang may gawa,nakakalungkot lang na marami paring kababayan na walang sapat na kaalaman.,hindi alam,o sadyang sarado lang ang utak.
Lalayuan agad pang iilagan,na ngayun nararanasan na ng buong pamilya namin
Kami lang nasa manila ang makikipag coordinate sa RHU at contact tracers.
Nagtuturuan kung kanino kumalat ang result
Pakibasa pong mabuti this is in general.
One year Pero yung guidelines Nyo mismo hindi malinaw.
Walang may gusto, hindi namin ginusto na may isang member ng pamilya na mag positive sa CORONA VIRUS DISEASE.
Never ko pinangarap na bigyan kami ng ayuda,
Hindi Nyo alam ang mental at emotional stress na pinagdadaan ng mga taong nagpositive sa covid 19. Kahit hindi pa confirmed.
Pandidirihan ka kahit di naman
Nakikiusap po ako kalmahan Nyo lang bawas bawasan ang pagkakalat ng maling balita.
Yung pagiging tanga hindi dapat gawing habit.
Maraming salamat po 🙏🙏🙏
Pagpalain tayong lahat.