09/01/2026
Yesss!!! 7 years na tayo!!
From day one, malinaw ang intensyon namin—ang makapagbigay ng quality, patient-centered, at evidence-based PT care para sa bawat taong nangangailangan ng rehabilitasyon.
Kasabay nito, nakita rin namin ang realidad na maraming pasyente ang nahihirapang ituloy ang gamutan dahil sa cost ng treatment. Alam namin na ang hangarin ng bawat pamilya ay gumaling ang mahal nila sa buhay nang hindi masyadong nabibigatan.
Ang Core Dynamics PT Clinic ay opisyal ng partner ng DSWD—We are now accepting Guarantee letters from DSWD para makatulong at mas maging accessible ang physical therapy at occupational therapy services sa mas marami pang nangangailangan. This partnership is part of our commitment—hindi lang magpagaling, kundi tumulong din na pagaanin ang journey toward recovery.
Maraming salamat po sa pitong taon ng tiwala at suporta. We look forward to serving you with even better care, mas maraming tulong, at mas pinalakas na malasakit sa mga susunod pang taon
To our Core Dynamics Team and staff at sa mga PT na naging parte ng Core.
Salamat sa araw-araw na pagbibigay serbisyo na may malasakit. Dahil sa inyo naging posible ang 7 taon 👊💪