08/01/2026
Bagong labas ang Dietary Guidelines for Americans 2025–2030 mula sa USDA. Educational guidance ito para sa pangkalahatang kalusugan. Hindi one size fits all. Iayon pa rin sa katawan mo.
👉Pangunahing mensahe
Bumalik sa totoong pagkain. Piliin ang quality. Ayusin ang dami.
Tamang dami ng pagkain
Magkakaiba ang calorie needs. Depende sa edad, tangkad, timbang, at antas ng galaw. Maging maingat sa portion, lalo na sa high calorie food at drinks.
🥩Protein sa bawat meal
Unahin ang nutrient dense protein.
• Itlog, manok, isda, karne
• Beans, peas, lentils, nuts, seeds, soy
Iwas deep fried. Mas mainam ang baked, grilled, roasted, o stir fried.
General target. 1.2 hanggang 1.6 g protein kada kilo ng timbang kada araw. Ina-adjust depende sa needs.
🧀Kasama ang dairy
Pinapahintulutan ang full fat dairy na walang added sugar tulad ng whole milk at yogurt.
General guide. Hanggang 3 servings kada araw sa 2000 kcal pattern. Ina-adjust kung kailangan.
✅Gut health ay mahalaga
Iwas ultra processed food.
Suportahan ang microbiome gamit ang gulay, prutas, fermented food tulad ng kimchi at kefir, at fiber rich food.
🥗Gulay at prutas buong araw
Iba ibang kulay at buo ang piliin.
Fresh o frozen ay ok kung walang added sugar.
General guide sa 2000 kcal.
• Gulay. 3 servings
• Prutas. 2 servings
🫒Healthy fats ang piliin
Makukuha sa itlog, isda, karne, full fat dairy, olive oil, butter, at beef tallow.
Sa pangkalahatan, panatilihin ang saturated fat sa ilalim ng 10 percent ng kabuuang calories.
🌾Whole grains kaysa refined
Piliin ang fiber rich whole grains.
Bawasan ang white bread, crackers, at packaged refined carbs.
General guide. 2 hanggang 4 servings kada araw kung pasok sa needs.
❌Limit processed food at added sugar
Iwas chips, candy, soda, at energy drinks.
Walang recommended amount ng added sugar. Bilang gabay, huwag lalampas sa 10 g added sugar sa isang meal. Mas mainam ang lutong bahay.
💦Hydration
Tubig ang pangunahing inumin. Still o sparkling. Walang tamis.
🔹Espesyal na grupo
Ang bata, buntis, matatanda, at may chronic disease ay may ibang pangangailangan. Kailangang iayon ang pagkain. Makipag-usap sa health professional kung may kondisyon.
Simple ang mensahe.
Real food. Tamang dami. Araw araw.
Educational only. Not medical advice.
&Wellness
📸: cdn.realfood.gov