09/04/2026
Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, inaalala natin ang tapang at sakripisyo ng mga bayaning Pilipino na nag-alay ng buhay para sa ating kalayaan. Hindi lang natin minamana ang kalayaan, may responsibilidad tayong ipaglaban at pangalagaan ito.
Kung noon ay lumaban sila para sa ating kalayaan, ngayon, tayo naman ang tinatawag na lumaban—hindi sa digmaan, kundi sa katotohanan, integridad, at malasakit sa kapwa.