31/12/2025
Isang taos pusong pasasalamat po sa Spice Moms at sa Concentrix sa napakagandang regalong handog ninyo para sa aming mga masisipag at pusong alagang staff ng One Cainta Sunset Retreat. ๐๐
Malaki po ang naging kahulugan ng inyong pag alala. Sa araw araw na pag aalaga ng aming mga staff sa mga nanay at tatay, bihira silang mapansin at mapasalamatan. Dahil sa inyo, naramdaman po nila na sila rin ay mahalaga, sila rin ay inaalagaan. ๐ซถโจ
Ang simpleng regalong ito ay naging paalala na ang kabutihan ay bumabalik at ang malasakit ay nakakahawa. Nagbigay po kayo hindi lang ng regalo, kundi lakas ng loob, inspirasyon, at ngiti na dadalhin ng aming staff sa bawat araw ng kanilang serbisyo. ๐๐ท
Maraming salamat po, Spice Moms at Concentrix, sa pag pili na magbahagi at magmahal. Mananatili po itong isang alaalang hindi malilimutan ng aming buong pamilya dito sa One Cainta Sunset Retreat. ๐๐