20/03/2022
03.19.22
Tuloy ang laban hunny... kahapon, nung inuwi ka namin from Angel Salazar Hosp, dahil na din sa matagal mo ng request na gusto mo ng umuwi, at huling salita mo na tama na tama na ayoko na. Pikit mata inuwi ka namin ng Mommy mo, tutol man ang loob kong iuwi ka, dahil alam ko na ang kakahitnatnan mo.
Kahapon ipinaubaya na kita sa itaas, sinabi ko na din sayo na kung hndi mo na kaya, bumitaw kana, magpahinga kana. At maiintindhan ko.
Kahapon durog na durog ako... Nasa bahay na tayo ng Mommy mo, wala na lang kaming ginawa kundi ang umiyak habang pinagmamasdan ka. Tumawag na ng pari para ma- anoint kana. Habang dinadasalan ka ni Father, ayaw tumigil ng luha ko. Kasi alam ko anytime iiwan mo na talaga ako.
Hanggang sa nag desisyon ang Mommy mo, Daddy mo, Tita mo na ibalik ka sa hosptal at patutubuhan ka. Nagalit ako, kasi bakit kapa namin inalabas sa hosptal, tapos ibabalik ka ulit, panibagong tusok nnaman ng karayom, panibagong sakit nnaman para sayo, tapos gusto nilang tubuhan ka, takot na takot ako, nung una ayaw ko pumayag kasi sasaktan ka nanaman. At ibinilin mo na sa akin, na iuwi kana at ayaw mo na.
Nag isip ako dahil desisyon ko na lang ang hinihintay nila at tumatakbo ang oras. Tinitigan kita, kinausal sabi ko bigyan mo ko ng sign, for the first time na imulat mo mga mata mo kagabi , kaya sabi ko sige ibalik na natin sya, patubuhan na. Laban kung laban hanggang dulo.
Nasa ER tayo ng ANTIQUE MEDICAL CENTER, ako ang hinanap para pirmahan ang waver, takot na takot ako pumirma, dasal lang ako ng dasal na sana tama ang naging desisyon ko na sang ayunan sila, inisip ko na lang "MOTHER KNOWS BEST" kasi si Mommy mo ang tlagang nagpursige na ibalik at patubuhan ka.
Inisip ko nanay mo un, hndi sya maghahangad ng masama sayo. Ganon din kay LoloDad at Tita. Kaya hala sige.... Laban!!!!
Habang tinutubuhan ka, kahit nakasarado ang pintuan, kapag may lumalabas tapos takbo dito takbo don ang nurse, takot na takot ako .. kahit papano nasisilip kita, pero kitang kita ko gaano kang nasasaktan... Wala na kong ginawa kundi umiyak na lang at ipagdasal ka.
Hanggang sa ilabas ka nila at iakyat sa kwarto, awang awa ako sa itsura mo at sitwasyon mo. Sabay kinausap ako ng Doctor na, kung sakali na mag cardiac arrest ka, ipapa CPR kpa daw ba? Sa isip ko ha ano to joke?! Kakatubo lang , cardiac arrest agad... Alangan isuko pa kita diba. Isang revive lang, pag talagang wala, wag na.....
Nung nasa kwarto na tayo, panay ang tanggal mo ng tubo sa bibig mo, pati ang catheter mo tinatanggal mo din. Kahit itinali ka nila pilit mo paring inaabot para tanggalin. Parang sinasabi mo sa akin na "Kristin ano ba ang tigas ng ulo mo" buong mag damag hindi ako natulog, tinabhan lang kita at hinawakan ang kamay mo, kasi ntatakot akong maabot mo ung tubo at tanggalin mo. Natatakot akong gumising na baka wala kana...
Pero hunny, nalampasan natin ung critical stage kagabi... Ngayon kahit papano nag stable ang lagay mo... Nakokonsensya ako sa sinabi ko sayo na sige magpahinga kana, para na kitang sinukuan😥 sorry hunny, kung nasabi ko un. Ayaw ko na kasi makitang hirap na hirap kana... Pero siguro, iba parin ang instinct ng Nanay, mabuti nakinig ako sa mommy mo. Mabuti hndi ka nya tlaga isinuko.
Hindi pa tayo makapasok ng ICU ngayon kasi kailangan naming maka raise ng 50k, yaan mo hun at magagawan ng paraan yan. Pero dapat nasa ICU kana... Feeling ko mas safe ka don. Madugo nga lang bayarin pero, bahala na si Batman mahalaga, mabuhay ka... Dbale for sure mamayang gabi lang nandon kana.
Kaya hunny, tuloy ang laban. Ang layo na ng narating natin. Ang haba na ng pinagdaanan natin, kaya hunny kapit lang, laban parin tayo ha. Kung kukunin kaparin ng nasa itaas, alam ko sa sarili ko na hndi kita sinukuan hanggang sa huli. Lumaban ako, lumaban kami hanggang sa huli. Basta hunny pag d na kaya, wag pilitin ok.
Uuwi pa tayo ng Calamba tuparin mo ang pangako mo. Dito lang ako hunny nag hhintay sa pagbabalik mo.
Mahal kita alam mo yan!!!
One Big Fight!!!