City of Calamba-Mental Health Program

City of Calamba-Mental Health Program City Health Office of Calamba Mental Health Program offers free consultation/mental health assessment

✍️Kilalanin ang mga senyales ng panic attack—ang kaalaman ay unang hakbang sa pag-aalaga sa sarili. Tandaan, mahalaga an...
04/12/2025

✍️Kilalanin ang mga senyales ng panic attack—ang kaalaman ay unang hakbang sa pag-aalaga sa sarili. Tandaan, mahalaga ang pagkilala sa mga sintomas upang mas maunawaan ang nangyayari at makahanap ng tamang tulong.

Kung kailangan mo ng mental health support, maaari kang magpadala ng mensahe sa Mental Health Hotline: 0963-903-9283, o makipag-ugnayan sa City of Calamba - Mental Health Program page.

Alam mo ba kung ano ang Illness Anxiety Disorder (hypochondria)? 🤔 Sabay-sabay natin itong tuklasin at alamin kung ano a...
29/11/2025

Alam mo ba kung ano ang Illness Anxiety Disorder (hypochondria)? 🤔 Sabay-sabay natin itong tuklasin at alamin kung ano ang mga pamantayan nito. Alamin natin kung paano ito maaaring makaapekto sa ating kalusugan at well-being.

Kung ikaw ay nangangailangan ng tulong tungkol sa iyong mental health, narito ang City of Calamba - Mental Health Program. Maari kayong mag iwan ng mensahe sa aming hotline: 0963-903-9283 o di kaya ay sa page na ito, City of Calamba - Mental Health Program.

Tuwing Nobyembre, nagkakaisa ang Pilipinas sa malasakit at pagkilos laban sa droga. Ang pagkalulong sa droga ay sakit na...
21/11/2025

Tuwing Nobyembre, nagkakaisa ang Pilipinas sa malasakit at pagkilos laban sa droga. Ang pagkalulong sa droga ay sakit na puwedeng maiwasan at magamot. Mahalagang malaman ang mga panganib, lalo na kung may problema sa mental health, barkada, at kapaligiran.

Sama-sama nating ipagdiwang ang DAPC Week sa pagtutulungan para sa isang malusog at ligtas na komunidad. Sa tulong ng tamang kaalaman, gabay, at suporta, may pag-asa ang bawat Pilipino na maiwasan ang droga at makabangon mula rito.

Kung ikaw ay nangangailangan ng tulong tungkol sa iyong mental health, narito ang City of Calamba - Mental Health Program. Maari kayong mag iwan ng mensahe sa aming hotline: 0963-903-9283 o di kaya ay sa page na ito, City of Calamba - Mental Health Program.

May mga araw talaga na parang ang bigat-bigat. Kahit anong pilit mong ngumiti, ramdam mo pa rin yung pagod sa likod ng m...
14/11/2025

May mga araw talaga na parang ang bigat-bigat. Kahit anong pilit mong ngumiti, ramdam mo pa rin yung pagod sa likod ng mga mata mo. Sunod-sunod ang responsibilidad, deadlines, problema, at minsan, pati yung sariling emosyon mo hindi mo na alam kung paano haharapin. Minsan, hindi natin nakikita ang stress na bumabalot sa ating isipan at puso. Para lang itong mabigat na dala na unti-unting nagpapahina sa ating katawan at nagdudulot ng sakit sa ating damdamin.

Ganyan ang stress—hindi mo agad kita, pero malalim ang tama.
Kaya mahalaga na kilalanin natin ang stress, harapin ito, at bigyan ng panahon ang sarili na magpahinga. Hindi kasalanan ang magpahinga.

Kung ikaw ay nangangailangan ng tulong tungkol sa iyong mental health, narito ang City of Calamba - Mental Health Program. Maari kayong mag iwan ng mensahe sa aming hotline: 0963-903-9283 o di kaya ay sa page na ito, City of Calamba - Mental Health Program.

Alam mo ba? 💡Ang anxiety ay may iba’t ibang anyo—at isa na rito ang tinatawag na Generalized Anxiety Disorder (GAD). Ito...
06/11/2025

Alam mo ba? 💡

Ang anxiety ay may iba’t ibang anyo—at isa na rito ang tinatawag na Generalized Anxiety Disorder (GAD). Ito ay kondisyon kung saan nakararanas ang isang tao ng matinding pag-aalala araw-araw, kahit sa mga bagay na tila maliit lang sa iba.
Mas maigi ang may kaalaman at mahalagang maintindihan ito — at narito kami para tumulong. Sama-sama nating unawain ang GAD. ✍🏻

Tandaan, kung ikaw ay nangangailangan ng tulong tungkol sa iyong mental health, narito ang City of Calamba - Mental Health Program. Maari kayong mag iwan ng mensahe sa aming hotline: 0963-903-9283 o di kaya sa page na ito, City of Calamba - Mental Health Program.

⚠️ TRIGGER WARNING / SENSITIBONG PAKSA ⚠️Ang post na ito ay tumatalakay sa pagpapakamatay (su***de) at mga babalang pala...
31/10/2025

⚠️ TRIGGER WARNING / SENSITIBONG PAKSA ⚠️
Ang post na ito ay tumatalakay sa pagpapakamatay (su***de) at mga babalang palatandaan nito. Kung sa tingin mo ay maaari kang ma-trigger, maaari mong laktawan ito o basahin sa oras na handa ka.

Kung nakakaramdam ka ng matinding lungkot o pagnanais na magpakamatay, humingi agad ng tulong.
Maaari kang magpadala ng mensahe sa Mental Health Hotline: 0963-903-9283, o makipag-ugnayan sa City of Calamba - Mental Health Program page kung kinakailangan mo ng mga serbisyo para sa mental health.

Sa tuwing may sakuna gaya ng lindol, baha, o iba pang emerhensya, hindi lang ang ating pisikal na katawan ang naapektuha...
14/10/2025

Sa tuwing may sakuna gaya ng lindol, baha, o iba pang emerhensya, hindi lang ang ating pisikal na katawan ang naapektuhan—pati ang ating isipan. Takot, trauma, at matinding pagkalungkot ang madalas na nararanasan ng mga taong dumaan sa ganitong krisis. Dahil dito, marami sa ating kababayan ang nakararanas ng matinding stress, pagkabalisa, at trauma. Kaya naman sa panahon ng kagipitan, kailangang hindi lang pagkain at tirahan ang inihahanda—kailangan ding may suporta para sa ating kaisipan at damdamin. Ang mga taong may matibay na mental health ay mas handang harapin ang pagbangon.

📌Sa gitna ng sakuna, huwag matakot humingi ng tulong. Maari kayong mag iwan ng mensahe sa Mental Health Hotline: 0963-903-9283 o di kaya ay sa page na ito, City of Calamba - Mental Health Program, kung kinakailangan mo ng mga serbisyo para sa mental health.

Paggunita sa World Mental Health Day 2025Tuwing ika-10 ng Oktubre, ipinagdiriwang ang World Mental Health Day upang bigy...
10/10/2025

Paggunita sa World Mental Health Day 2025

Tuwing ika-10 ng Oktubre, ipinagdiriwang ang World Mental Health Day upang bigyang-pansin ang kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan sa buong mundo. Sa taong 2025, ang opisyal na tema ay “Access to Services – Mental Health in Catastrophes and Emergencies.”

Ang World Mental Health Day ngayong taon ay panawagan para sa mas inklusibong mga polisiya, mas pinalawak na serbisyo, at mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng mental health sa panahon ng krisis. Ito rin ay paalala na sa gitna ng kaguluhan, ang malasakit at suporta sa isa’t isa ay mahalagang sandigan para sa mas malusog na kinabukasan.

Ang City of Calamba - Mental Health Program under City Health Services Department ay nagbibigay ng mga serbisyo para sa Mental Health. Isa na diyan ay ang Mental Health and Psychosocial Support gamit ang Psychological First Aid at Psychosocial Processing upang mabilis na matugunan ang pangangailangang sikolohikal ng mga biktima ng krisis. Maari kayong mag iwan ng mensahe sa Mental Health Hotline: 0963-903-9283 o di kaya ay sa page na ito, City of Calamba- Mental Health Program, kung kinakailangan mo ng mga serbisyo para sa mental health.

Pabatid sa Publiko!May pagbabago po sa iskedyul ng bigayan ng gamot tuwing LUNES HANGGANG MIYERKULES na po ALA-UNA ng ha...
29/07/2025

Pabatid sa Publiko!

May pagbabago po sa iskedyul ng bigayan ng gamot tuwing LUNES HANGGANG MIYERKULES na po ALA-UNA ng hapon (1PM).

Paalala po muli, ang pagkuha po ng gamot ay kinakailangan na may UPDATED na reseta.

Kung luma po ang reseta kailangan po muna magpakonsulta muli para malaman po natin kung parehong gamot pa din at parehong dosage pa din ang inyong iinumin.

Mangyari po na magmessage muna sa hotline 0963 903 9283 o sa FB Page City of Calamba Mental Health Program para sa pagkuha ng gamot upang di po masayang ang inyong pagpunta.

Maraming salamat po!

09/07/2025

‼️LIBRENG MENTAL HEALTH SERVICES, BUKAS PARA SA LAHAT‼️

⚠️HINDI po kami tumatanggap ng WALK IN, kinakailangan pong MAGTEXT sa hotline or MAG IWAN NG MENSAHE sa aming FB page para sa inyong appointment.⚠️

⚠️Ang pagsagot sa inyong mga mensahe ay tuwing Lunes hanggang Biyernes, maliban kung HOLIDAY, 9am to 4pm⚠️

⚠️Mangyaring maghintay ng aming sagot dahilan sa dami ng bilang ng mga kliyente na nagmemensahe⚠️

💚Sa mga nangangailangan ng mga serbisyo ng programa mangyaring magtext sa aming hotline number 0963-903-9283 o mag message dito sa aming FB Page.💚

‼️LIBRENG MENTAL HEALTH SERVICES, BUKAS PARA SA LAHAT‼️Sa mga nangangailangan ng mga serbisyo ng programa mangyaring mag...
08/07/2025

‼️LIBRENG MENTAL HEALTH SERVICES, BUKAS PARA SA LAHAT‼️

Sa mga nangangailangan ng mga serbisyo ng programa mangyaring magtext sa aming hotline number 0963-903-9283 o mag message dito sa aming FB Page.

Ang City of Calamba- Mental Health Program ay nagbibigay ng LIBRENG serbisyo para sa Mental Health, ang mga ito ay ang mga sumusunod

1.LIBRENG Consulta/Assessment ng kalusugang pangkaisipan (MENTAL HEALTH) (BY Appointment)
2.LIBRENG Psychosocial Services (BY Appointment)
3.LIBRENG Gamot (Psychotropic Medications)
4.Mental Health at Psychosocial support
5.Assessment gamit ang MHGAP

Ang programa ay ACCREDITED ng Philhealth Outpatient Benefits Package

May LIBRENG snacks at tubig din na ibinibigay, komportableng upuan habang nanonood ng mga bidyo na makapagpapayabong ng kaalaman sa mental health habang naghihintay ang mga kliyente.

Ang mga serbisyong nakapaloob sa programa ay BUKAS PARA SA LAHAT maging taga ibang lugar ay maaaring maka avail ng aming mga serbisyo.


Address

Brgy 7 Near Post Post Office And City College Of Calamba
Calamba
4027

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639639039283

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of Calamba-Mental Health Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram