UPHSD Calamba Clinic

UPHSD Calamba Clinic The Official page of UPHSD-Calamba Campus School Clinic

HEALTHY AND SAFETY REMINDERS KA PERPETUALITES !!!FIRST AID TREATMENT ALAMIN!1. PAUNANG LUNAS SA SPRAIN/PILAYSUNDIN ANG R...
12/11/2025

HEALTHY AND SAFETY REMINDERS KA PERPETUALITES !!!

FIRST AID TREATMENT ALAMIN!

1. PAUNANG LUNAS SA SPRAIN/PILAY

SUNDIN ANG R.I.C.E. METHOD PARA SA MABILIS NA PAUNANG LUNAS‼️

Madaling matapilok o madulas sa pagbaba sa hagdan, basang kalsada at sahig.

Agad na gawin ang R.I.C.E. kapag napilayan para maiwasan ang pamamaga at matagalang pagsakit ng kasu-kasuan:

✅Rest
✅Ice
✅Compression
✅Elevate

2. PAUNANG LUNAS PARA SA MGA SUGAT AT HIWA ‼️

Maaaring magka-impeksyon ang sugat o hiwa kapag iniwang nakabukas.
Agad na hugasan ang sugat gamit ang malinis na tubig at sabon, lagyan ng betadine o antibacterial ointment at takpan ito gamit ang gasa o Band-aide.

REMINDER:
Monitor symptoms and seek medical advice if they persist.







Healthy and Safety Reminders Perpetualites!!!🌬️ NARITO NA ANG AMIHAN SEASON! ❄️Sa malamig at tuyong simoy ng hangin, mag...
03/11/2025

Healthy and Safety Reminders Perpetualites!!!

🌬️ NARITO NA ANG AMIHAN SEASON! ❄️

Sa malamig at tuyong simoy ng hangin, maging handa laban sa trangkaso, sipon, pulmonya, allergic rhinitis, at panunuyo ng balat.

Paalala ng DOH para manatiling malusog ngayong panahon ng Amihan:
🤲 Regular na maghugas ng kamay
😷 Manatili sa bahay kung may sintomas, o magsuot ng face mask
💧 Uminom ng maraming tubig
🧴 Magpahid ng moisturizer o lotion araw-araw

Ang kaligtasan at Kalusugan nyo ang aming prioridad mag ka Perps!!!



Perpetualites!!!Sa panahon ng hindi inaasahang sakuna, siguraduhing HANDA at ALERTO upang mapanatili ang kaligtasan at k...
20/10/2025

Perpetualites!!!

Sa panahon ng hindi inaasahang sakuna, siguraduhing HANDA at ALERTO upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan.

Mga paalala BAGO, HABANG at PAGKATAPOS ng lindol.

I share natin ito sa iba.

Our Mother of Perpetual Help, Protect and Guide Us. Amen!




SAFETY REMINDERS MGA KA-PERPS!!!Sunod-sunod ang lindol, mas mabuti nang handa!  Walang kasiguraduhan kung kailan daratin...
14/10/2025

SAFETY REMINDERS MGA KA-PERPS!!!

Sunod-sunod ang lindol, mas mabuti nang handa!
Walang kasiguraduhan kung kailan darating ang sakuna, pero puwede tayong maging handa.

Maghanda ng iyong Emergency Go Bag ngayon!
Laman nito ang mga basic na gamit na makakatulong sa’yo at sa pamilya mo sa oras ng emergency.

Tip: Ilagay ito malapit sa pinto o madaling kunin kapag kailangan.
Stay alert, stay safe!

Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibilidad ng mga aftershock na maaaring magdulot ng karagdagang pinsala sa mga gusali at kabahayan.

Paalala ng DOH: Maging alerto at mag-ingat mula sa aftershocks at tsunami dulot ng lindol.

✅Gumamit ng first aid kit kapag may sugat o galos sa katawan
✅Lumayo sa mga sirang gusali, nakalaylay na linya ng kuryente, lupang maaaring gumuho, at dalampasigan.
✅Ihanda ang Go Bag kung sakaling kailanganing lumikas dahil sa aftershocks o paparating na tsunami
✅Bantayan ang anunsyo ng lokal na pamahalaan at ng PHIVOLCS
✅Kapag ligtas na, suriin ang bahay at gamit sa anumang sira, gaya ng bitak o pagtagas

☎️ Bukas ang National Emergency Hotline 911 kung kailangan ng tulong.
📞 DOH Hotline 1555, press 3

Keep safe Perpetualites!!!



Healthy and Safety reminders mga ka-Perps!𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧? 𝐍𝐚𝐤𝐨, 𝐅𝐥𝐮 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐧𝐚 ‘𝐲𝐚𝐧!Kalimitang tumataas ang mga kaso ng Inf...
13/10/2025

Healthy and Safety reminders mga ka-Perps!

𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧? 𝐍𝐚𝐤𝐨, 𝐅𝐥𝐮 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐧𝐚 ‘𝐲𝐚𝐧!

Kalimitang tumataas ang mga kaso ng Influenza-like Illnesses (ILI) tuwing nagpapalit ang panahon.
Gawing panangga ang tamang kaalaman upang maiwasan ang hawahan nito.




HEALTHY REMINDERS PERPETUALITES!!!PANATILIHIN ANG TAMANG TIMBANG PARA SA MALUSOG NA KATAWAN❗️4/10 na Pilipino ay obese. ...
06/09/2025

HEALTHY REMINDERS PERPETUALITES!!!

PANATILIHIN ANG TAMANG TIMBANG PARA SA MALUSOG NA KATAWAN❗️

4/10 na Pilipino ay obese.

Ang obesity ay isang kondisyon kung saan labis ang taba sa katawan, at maaaring umangat ang panganib sa iba’t ibang sakit tulad ng altapresyon, sakit sa puso, diabetes (Type 2), at stroke.

🥦🏃Piliin ang healthy ang gawin ang mga sumusunod:

✅ Kumain ng masustansya at iwasan ang matatamis, maalat, mamantika, at matataba (4Ms)
✅ Mag-ehersisyo araw-araw
✅ Magpasuri nang maaga upang matiyak na ang timbang, taas, at sukat ng baywang ay akma sa iyo
✅ Iwasang magpuyat

Iwasan natin ang mga maaring magdulot ng sakit!!! Ingatan ang ating katawan at kalusugan ka-Perps!!!

Bawat Buhay ay mahalaga!!!






Healthy Reminders mga ka- Perps! 𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧, 𝐢𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐖𝐀𝐒𝐇 𝐎’𝐂𝐥𝐨𝐜𝐤! 💦Kasabay ng kabi-kabilang pag-ulan at ...
03/09/2025

Healthy Reminders mga ka- Perps!

𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧, 𝐢𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐖𝐀𝐒𝐇 𝐎’𝐂𝐥𝐨𝐜𝐤! 💦

Kasabay ng kabi-kabilang pag-ulan at pagbaha ay ang banta ng W.I.L.D. (Food and Waterborne Diseases, Influenza-like Illness, Leptospirosis, at Dengue), kaya't ugaliin ang pag-Wash O'clock!

Basahin at ipamahagi ang mga hakbang sa wastong paghuhugas ng kamay upang maka-iwas sa sakit.

Panatilihin ang kalinisan at kalusugan dahil Bawat Buhay ay Mahalaga!

Kalusugan at kaligtasan mo ay mahalaga Perpetualites!




Healthy and Safety Reminders mga Ka-Perps!!!
02/07/2025

Healthy and Safety Reminders mga Ka-Perps!!!




‼️WAG MAGPALOKO SA V**E AT SIGARILYO‼️

🚭 Maraming masamang epekto ang dala ng paninigarilyo sa ating katawan. Alam nyo ba na ang secondhand smoke, o ang usok galing sa iba na nalanghap mo, maaari pa ring magdulot ng mga malubhang sakit!

⚠️Ang mabangong amoy ng v**e ay kemikal na maaaring magdulot ng sakit tulad ng Popcorn Lung at EVALI—wala itong gamot at tuluyang pumapatay sa baga.

Hithit pa? Itigil mo na.

Isang paalala ngayong World No To***co Day.

***coDay **e

SAFE AND HEALTHY REMINDERS, MGA KA-PERPETUALITES!!!Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tu...
07/06/2025

SAFE AND HEALTHY REMINDERS, MGA KA-PERPETUALITES!!!

Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tuwing umuulan:

💧 Waterborne diseases – mula sa maruming tubig
🤒 Influenza-like illnesses – trangkaso / lagnat, ubo, sakit ng katawan
🐀 Leptospirosis – galing sa ihi ng daga na nasa baha
🦟 Dengue – dala ng kagat ng Aedes aegypti na namamahay sa naipong tubig

Dahil tag-ulan na, kailangang bantayan ang W.I.L.D na sakit na uso tuwing umuulan mga ka-Perps!!!





Healthy reminders mga ka-Perps!!!What is MONKEYPOX ?Mpox (monkeypox) is an infectious disease caused by the monkeypox vi...
30/05/2025

Healthy reminders mga ka-Perps!!!

What is MONKEYPOX ?

Mpox (monkeypox) is an infectious disease caused by the monkeypox virus. It can cause a painful rash, enlarged lymph nodes and fever. Most people fully recover, but some get very sick.
Anyone can get mpox.

It spreads from contact with:

- Infected Persons, through touch, kissing, or s*x
- Animals, when hunting, skinning, or cooking them
- Materials, such as contaminated sheets, clothes or needles
- Pregnant persons, who may pass the virus on to their unborn baby

If you have Mpox:

Tell anyone you have been close to recently
Stay at home until all scabs fall off and a new layer of skin forms
Cover lesions and wear a well-fitting mask when around other people
Avoid physical contact

STAY HEALTHY PERPETUALITES !!!





Keep safe always Ka-Perps!!!❗️Life is not a wheel. It ain’t got no reserve❗️You're not just a driver! you're a parent, a...
23/05/2025

Keep safe always Ka-Perps!!!

❗️Life is not a wheel. It ain’t got no reserve❗️
You're not just a driver! you're a parent, a wife, a child, a friend.
In every trip, there's a family waiting for you to come home safely.
Take care when driving!!!


❗️Ang buhay ay hindi gulong. Wala itong reserba❗️

Hindi ka lang driver—ikaw ay magulang, asawa, anak, kaibigan. Sa bawat biyahe, may pamilyang naghihintay sa'yo na makauwi nang ligtas.

Mag-ingat sa pagmamaneho:
✅ Magsuot ng seatbelt
✅ Sumunod sa speed limit
✅ Huwag magmaneho kapag inaantok o lasing.

Remember, road safety is shared responsibility!




A healthy reminders mga ka Perps ngayong panahon ng tag-init!!!Ang Heat Stroke ay Delikado! ☀️Dala ng pagtaas ng Heat In...
26/04/2025

A healthy reminders mga ka Perps ngayong panahon ng tag-init!!!

Ang Heat Stroke ay Delikado! ☀️

Dala ng pagtaas ng Heat Index ay ang banta ng heat related illnesses. Maging alert sa mga sintomas ng heat stroke tulad ng:
⚠️ Pagkahilo
⚠️ Lagnat
⚠️ Pangangalay
⚠️ Pag-init at Pamumula ng Balat
⚠️ Pagkawalang Malay

Kung ang kasama ay nakakaranas ng anumang sintomas nito, agad na lumipat sa malamig na lugar at humingi ng tulong.
Ang banta ng heat stroke ay maiiwasan basta’t laging handa sa init ng panahon. 🌡️

Kayang protektahan ang sarili mula sa Heat-Releated Illnesses:
✅ Iwasan lumabas mula 9AM - 4PM kung kailan mataas ang tirik ng araw
✅ Stay hydrated at laging uminom ng maraming tubig
✅ Magdala ng payong, pamaypay, o sumbrero kapag lalabas ng bahay
✅ Magsuot ng magaan at maluwag na damit

Mag-ingat sa banta ng matinding init mga ka Perps!!! 🔥





Address

Paciano Rizal
Calamba
4027

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+639175921928

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UPHSD Calamba Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to UPHSD Calamba Clinic:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram