09/10/2025
Fyi majada-out elementary school
Bukas na Po ang ating bakunahan , October 10,2025
‼️School-Based Immunization Program 2025
, muling magsasagawa ang Department of Health at Department of Education ng School-Based Immunization Program para sa kalusugan at proteksyon ng ating mga mag-aaral.
Layon ng programang ito na bigyan ng libreng bakuna ang mga piling grade levels sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
🧒👧 Sino ang mga target?
🎯 Grade 1 learners
🎯 Grade 4 girls (9–13 years old)
🎯 Grade 7 students
💉 Anu-ano ang mga bakuna?
✅ Measles-Rubella (MR)
👉 Proteksyon laban sa tigdas at rubella o German measles.
✅ Tetanus-Diphtheria (Td)
👉 Proteksyon sa tetano at dipterya, mga malulubhang impeksyong maaaring magdulot ng pagkamatay.
✅ Human Papillomavirus (HPV) Vaccine
👉 Para sa Grade 4 girls — laban sa HPV na maaaring magdulot ng cervical cancer sa kababaihan pagdating ng adulthood.
Mas panatag ang mga magulang kapag alam nila na protektado ang mga bata sa sakit. Ligtas, epektibo, at subok na ang mga bakunang ito.
Mga magulang, mga tagapag-alaga —
Ang pagbabakuna ay isang puhunan sa kinabukasan ng inyong anak. Ito ay ligtas, libre, at inirerekomenda ng ating mga eksperto sa kalusugan. Ang mga bakunang ito ay kapareho ng mga ibinibigay sa mga private clinics.
✍️ Huwag kalimutang lagdaan ang consent form at hikayatin ang inyong anak na magpabakuna sa araw ng School-Based Immunization.
Protektado ang batang bakunado.
Suportahan natin ang kanilang kalusugan—ngayon at sa hinaharap.
Para sa karagdagang detalye, makipag ugnayan lamang sa midwife o nurse na assigned sa inyong barangay.