VDC Health Center

VDC Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from VDC Health Center, Medical and health, Villa de Calamba, Calamba.

24/10/2025

‼️”TRANGKASO BYE-BYE!” CAMPAIGN KONTRA FLU, INILUNSAD NG DOH‼️

Maghugas ng Kamay, Trangkaso Bye-Bye!
Magpahinga sa Bahay, Trangkaso Bye-Bye!
Kumain ng Prutas at Gulay, Trangkaso Bye-Bye!—ito ang mensahe ng DOH sa kampanya nitong “Trangkaso Bye-Bye” na inilunsad bilang bahagi ng tamang edukasyon sa pag-iwas sa trangkaso o flu.

Nauna nang inihayag ng DOH na bagamat walang outbreak, nasa flu-season pa rin ang bansa mula sa panahon ng tag-ulan nitong Hunyo hanggang sa kasalukuyang pagpapalit ng monsoon season papuntang Amihan.

Batay sa latest surveillance ng DOH, nakapagtala ng 6,457 kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, 2025, na 25% mas mababa kumpara sa 8,628 kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Ang ILI ay isang matinding impeksyon sa paghinga na dulot ng mga virus tulad ng Influenza A at B, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Rhinovirus.

Sentro sa kampanyang Trankaso Bye-Bye! ang mga simpleng gawain para makaiwas sa pagkakasakit.




24/10/2025
14/10/2025
⚠️Munting Paalala⚠️ Para po sa mga pasyente na kinakailangan dalhin sa National Center fo Mental Health (NCMH) narito po...
28/08/2025

⚠️Munting Paalala⚠️

Para po sa mga pasyente na kinakailangan dalhin sa National Center fo Mental Health (NCMH) narito po ang proseso kung paano magpa appointment sa kanila sa out patient section. Samantalang ang mga EMERGENCY CASES naman ay maari na pong ideretso doon,24/7. Salamat po.

22/07/2025

FREE CHEST X-RAY

Magpalista na sa VDC health center!

22/07/2025
22/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




12/07/2025

𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-𝐑𝐀𝐘
🗓️ When: August 4, 2025
🕗 Time: 8:00 AM – 3:00 PM
This service is open to everyone residing at Villa de Calamba, but priority will be given to:
🟢 Senior Citizens
🟢 Smokers
🟢 Individuals with comorbidities
🟢 Patients experiencing cough for 2 weeks or more
📌 150 Slots only — you may now REGISTER at the VDC Health center

Address

Villa De Calamba
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VDC Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram