12/11/2025
Pagbilao Energy nagpahayag ng pagpapatuloy ng imbestigasyon at pag-aasikaso sa mga empleyadong naapektuhan ng insidente sa Unit 3
By Sol Luzano
PAGBILAO, QUEZON — Tiniyak ng Pagbilao Energy Corporation (PEC) na patuloy ang kanilang pag-aasikaso sa mga empleyado at kasamahang naapektuhan ng naganap na insidente sa Pagbilao Power Station Unit 3 noong Nobyembre 7, 2025.
Ayon sa pahayag Mr. Lou Jason Deligencia, AVP for Corporate Services ng Pagbilao Energy Corporation na ng kumpanya, dalawa sa walong empleyado ang kasalukuyang nagpapagaling sa ospital matapos makaligtas sa insidente ng sunog, habang isa pang empleyado ang patuloy na tumatanggap ng specialized medical care. Nakikipag-ugnayan din umano ang HR team sa pamilya ng mga ito upang matiyak ang kanilang mga pangangailangan.
"Tiniyak ng kompanya na ang lahat ng naapektuhang indibidwal ay nabibigyan ng kaukulang medical treatment, grief counseling, at financial assistance, habang nagpapatuloy rin ang koordinasyon sa Department of Labor and Employment (DOLE) CALABARZON kaugnay ng Work Stoppage Order na inilabas noong Nobyembre 7. Sa kabila ng pansamantalang tigil-operasyon, patuloy na matatanggap ng mga empleyado at contractor partners ang kanilang suweldo at mga benepisyo". dagdag ni Deligencia
Kasabay nito, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kumpanya katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) National Headquarters upang matukoy ang ugat ng insidente.