02/12/2025
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐠𝐚𝐲, 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚, 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠.
12 November 2025 | ABC Hall Naujan
Buong galang na pinaunlakan ng Samahan ng mga Kapitan ng mga Barangay ng Bayan ng Naujan o Association of Barangay Captains (ABC), sa pamumuno ni ABC President Ralph Jonnel D. Recto, ang hiling ng ORMECO, Inc. sa pangunguna ni General Manager Engr. Humphrey A. Dolor na maging bahagi ng kanilang pagpupulong upang ilahad ang mahahalagang usapin na may direktang epekto sa serbisyo ng kuryente sa bayan.
Sa nasabing pulong, apat (4) na mahahalagang adbokasiya ang inilahad ng ORMECO:
(1) Suporta sa Franchise Application ng ORMECO;
(2)Suporta sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Provisional Authority para sa 57MW Competitive Selection Process (CSP);
(3) Panawagan sa suporta sa pagpapatupad ng ERC Order hinggil sa dagdag-singil sa commercial at industrial consumers; at
(4) Presentasyon ng mga programa sa Sitio Electrification at Solar Home System para sa susunod na tatlong (3) taon.
Dumalo rin sa pulong bilang kinatawan ng pamunuan ng ORMECO sina Acting MSD Supervisor Catherine Mae Alforo at Information Officer Christiana Elise Canlas. Upang higit pang mapagtibay ang ugnayan at koordinasyon sa mga barangay, kasama rin sa talakayan sina ASD Area 1 Manager Francis Macalintal at District 3 Chief Engr. Clark Alvin M. Enriquez.
Layunin ng pagpupulong na personal na maipabatid ni GM Dolor ang kasalukuyang mga hamon na kinakaharap ng kooperatiba at kung paano ito makaaapekto sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs).