03/11/2025
https://www.facebook.com/share/165MK2HSGa/
Muli ay sama-samang titindig ang Bued National High School upang ipalaganap ang higit na pag-unawa sa mental health.
Sa ika-6 ng Nobyembre, Huwebes, sa ugnayan ng Guidance and Counseling Office (na ngayon ay tinatawag nang Care Center alinsunod sa RA 12080) at school-based organizations (SSLG, YES-O, BKD at Science Club), kasama ang mga advisers at student-officers, ilulunsad ang school-based mental health awareness activity na may temang“Bumabangon, Nakikipaglaban, Hindi Susuko.”
Kalakip ang suporta at tulong ng mga g**o at mag-aaral, sa pangunguna ni Dr. Gen Gnove Ballesteros, makakatulong ang pag-uusap at pagkilos tungkol sa mental health upang maging mas handa tayo sa mga pagsubok na maaari nating harapin.
Gawin nating normal ang usaping mental health.
Bawasan at iwaksi natin ang stigma nito.
Our voices are powerful. Let us use it well.
Our actions have long-lasting effects. Let us communicate it well.
💚💚💚