Calatagan RHU

Calatagan RHU Health related concerns and services

‼️Maging Respawnsible Pet Owner to Stay Paw-tected‼️Ngayong Rabies Awareness Month, hinihikayat ng DOH ang lahat ng pet ...
13/03/2026

‼️Maging Respawnsible Pet Owner to Stay Paw-tected‼️

Ngayong Rabies Awareness Month, hinihikayat ng DOH ang lahat ng pet owners na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang alagang hayop upang maprotektahan ang sarili, pamilya, at komunidad laban sa rabies.

Ang rabies ay 100% preventable kung maagapan at mabibigyan ng tamang aksyon.

Sama-sama nating i-paw-tect ang ating alagang hayop, sarili, at buong komunidad.






13/03/2026
12/03/2026

📢 PAUNAWA

Ipinapaalam sa lahat na ang Rural Health Unit (RHU) ay 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀, 8am hanggang 5pm, upang magbigay ng serbisyong pangkalusugan tulad ng pagbibigay ng anti-rabies vaccine sa mga nakagat ng hayop at konsultasyon sa ating mga mamamayan.

Maraming Salamat po!

Send a message to learn more

𝐌𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢!Halina at makiisa sa ating gaganapin na Blood Donation Activity sa Barangay Hall B**a, Calatagan, Ba...
10/03/2026

𝐌𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢!

Halina at makiisa sa ating gaganapin na Blood Donation Activity sa Barangay Hall B**a, Calatagan, Batangas sa Marso 11, 2026 (Miyerkules).

See you there!

10/03/2026

𝐏𝐀𝐓𝐀𝐋𝐀𝐒𝐓𝐀𝐒: 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐌𝐏𝐎𝐑𝐀𝐑𝐘 𝐅𝐎𝐔𝐑-𝐃𝐀𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐖𝐄𝐄𝐊 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐓𝐀𝐆𝐀𝐍

Alinsunod sa Executive Order No. 6, Series of 2026 mula sa Tanggapan ng Punong Bayan, ipinapaalam sa lahat na ang LGU Calatagan ay magpapatupad ng Temporary Four-Day Workweek simula bukas, Marso 10, 2026.

Ito ay bahagi ng energy conservation measures ng ating pambansang pamahalaan sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐜𝐡𝐞𝐝𝐮𝐥𝐞 𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨:
• Araw: Lunes hanggang Huwebes
• Oras: 7:00 AM – 6:00 PM
• Biyernes: Non-working day (Sarado ang mga opisina)

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀:
Upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyong medikal, seguridad, at turismo, HINDI KASAMA sa schedule na ito at mananatili sa kanilang regular o shifting schedule ang mga sumusunod:
1. MDRRMO
2. Rural Health Unit
3. Municipal Tourism Office
4. Traffic Management Section
5. Operation of Market and Municipal Garbage Collection
6. MSWDO

Ang hakbang na ito ay pansamantala lamang hanggang sa magkaroon ng bagong abiso. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

10/03/2026
10/03/2026

‼️𝐓𝐈𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇𝐘, 𝐄𝐍𝐄𝐑𝐆𝐘 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐘‼️

Ang malusog na tiyan ay mahalaga para manatiling masigla at handa sa araw-araw na gawain. Sa pagdiriwang ng 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐃𝐢𝐠𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐖𝐞𝐞𝐤, hinihikayat ng Department of Health Zamboanga Peninsula Center ang bawat Pilipino na pangalagaan ang kanilang digestive health.

✔️ 𝑲𝒖𝒎𝒂𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒖𝒔𝒕𝒂𝒏𝒔𝒚𝒂 𝒈𝒂𝒎𝒊𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒏𝒐𝒚
✔️ 𝑲𝒖𝒎𝒂𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒖𝒕𝒂𝒔 𝒂𝒕 𝒈𝒖𝒍𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒚𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒇𝒊𝒃𝒆𝒓 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒂𝒚𝒐𝒔 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒅𝒖𝒎𝒊
✔️ 𝑼𝒎𝒊𝒏𝒐𝒎 𝒏𝒈 8–10 𝒃𝒂𝒔𝒐 𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒃𝒊𝒈 𝒂𝒓𝒂𝒘-𝒂𝒓𝒂𝒘 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒊𝒘𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒄𝒐𝒏𝒔𝒕𝒊𝒑𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏

Kung makararanas ng mga sintomas tulad ng pagsusuka, pananakit ng tiyan, heartburn, o pagbabago sa pagdumi, mahalagang magpatingin sa doktor o kumonsulta sa healthcare worker upang mabigyan ng tamang payo at gamutan.

Alagaan ang tiyan para sa mas malusog at masiglang pamumuhay!





09/03/2026

📣 Marso: Colorectal Cancer Awareness Month

Ang buwan ng Marso ay ginugunita bilang Colorectal Cancer Awareness Month upang palakasin ang kaalaman ng publiko tungkol sa pag-iwas, maagang pagtuklas, at tamang paggamot sa colorectal cancer.

Ang colorectal cancer ay uri ng kanser na nabubuo sa colon o re**um at kadalasang nagsisimula bilang maliit na polyp na maaaring maging cancer sa paglipas ng panahon.
Sa Pilipinas, ito ay kabilang sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay dahil sa cancer at mas karaniwang nakikita sa mga taong edad 50 pataas.

⚠️ Mga posibleng sintomas:
• Pagbabago sa pagdumi (diarrhea o constipation)
• Dugo sa dumi
• Pananakit ng tiyan
• Biglaang pagbaba ng timbang
• Panghihina o anemia

✅ Paano makaiwas?
• Kumain ng masustansya at mayaman sa fiber
• Mag-ehersisyo at panatilihin ang tamang timbang
• Iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
• Magpatingin sa doktor at magpasuri kung kinakailangan, lalo na kung edad 50 pataas

Tandaan: Ang maagang pagtuklas ng colorectal cancer ay makakatulong upang mas madaling magamot at makaligtas ang buhay.


Address

Calatagan
4215

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calatagan RHU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Calatagan RHU:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram