11/12/2025
Bilis-Galing Tips Para sa Sore Throat o Namamagang Lalamunan 😮💨
Sino-sino diyan ang bigla na lang sumasakit ang lalamunan? Huwag mag-panic! Narito ang ilang DAPAT GAWIN at inumin para maibsan ang sakit:
Initial Steps
• REST is the best! Hayaan mo munang mag-recover ang katawan mo. Iwasan ang pagod at stress.
• Mag-gargle ng maligamgam na tubig na may asin (1/2 kutsarita ng asin sa isang baso ng maligamgam na tubig)
• Mag-gargle kada 2-3 oras. Nakakatulong ito para mabawasan ang swelling at pain.
• Iwasan ang Irritants: Iwasana muna ang paninigarilyo at iwasan ang mga lugar na may matapang na amoy.
• Avoid Colds & Ice: Huwag muna uminom ng sobrang lamig na inumin at kumain ng ice cream.
• Maaari ka ring pumunta sa pinakamalapit na botika at magtanong kung ano ang available na gargle para sa sintomas mo.
Anong Dapat Inumin
Warm Fluids: Ang mainit na inumin ay nakakarelax sa lalamunan.
Subukan ang:
> Honey and Lemon Tea: Nakakabawas ng irritation at cough.
> Ginger Tea (Salabat): May natural na anti-inflammatory properties.
> Plain Warm Water: Panatilihing hydrated ang katawan
> Room Temperature Water: Uminom ng maraming tubig para manatiling moist ang lalamunan at tulungan ang katawan na labanan ang impeksiyon.
Kelan Dapat Magpakonsulta?
Kailangan mo nang kumonsulta sa doktor kung:
1. Kung ang lagnat mo ay 38.3°C (101°F) o mas mataas, at hindi bumababa.
2. Kung halos hindi ka na makalunok ng laway o tubig.
3. Namamaga ang tonsils at may white spots:
4. Kung ang sore throat mo ay tumagal na ng 5-7 araw at hindi pa rin gumagaling.
5. Hirap Huminga: Ito ay emergency. Agad magpakonsulta.
PAALALA: Ang mga tips na ito ay para lang sa initial relief. Kung lalong lumala ang pakiramdam mo, MAGPAKONSULTA AGAD SA DOKTOR!
Like and follow us for more health tips! 💜