24/03/2025
Matagumpay na naisagawa ng Philippine Dermatological Society (PDS) ang taunang “Bigay Puso” noong ika-14 ng Pebrero 2025, sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (DJNRMHS), na may temang “United Against Leprosy – Strengthening Partnerships for a Healthier Future.”
Sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan, testimonya ng mga pasyente, at isang simbolikong Commitment Ceremony, pinagtibay ng PDS, Department of Health (DOH), Culion Foundation, Inc., at iba pang katuwang na institusyon ang kanilang dedikasyon na labanan ang stigma at tuluyang wakasan ang leprosy sa bansa pagsapit ng 2030.
Maraming salamat sa lahat ng lumahok at nagbigay ng suporta sa adbokasiyang ito! Sama-sama nating itaguyod ang dekalidad na pangangalaga at isang mas malusog na hinaharap para sa lahat.