04/12/2025
“Dok imbes magpaopera dahil magastos po masyado, puwede po bang mag gallstone flushing na lamang po ako? Hindi naman po delikado? ”
🚫 HINDI. Yung mga olive oil + lemon juice, apple juice cleanse, o iba pang “pampatunaw” na nakikita online, hindi po ito napatunayan na nakakatunaw ng bato at maaaring magdulot pa ng panganib.
☝🏻 Mga panganib ng gallstone flushing:
❌ Ang bato ay pwedeng maipit sa duct. Magkakaroon ng biglang matinding sakit, pancreatitis, jaundice o paninilaw ng balat at ng maga.
❌ Acute pancreatitis na maaaring ikamatay ng pasyente.
❌ Cholangitis (impeksyon sa bile ducts). Pag nangyare, ang pasyente ay madadala sa emergency room, posibleng ICU admission, at maaaring ikamatay ng pasyente.
❌ Yung lumalabas na parang “bato” pagkatapos ng flush hindi totoong bato ay mixture lang po ng oil at bile na naging parang sabon (saponification). Hindi ito totoong bato.
💡 Bakit hindi natutunaw ang totoong gallstones?
☝🏻 Gallstones are hard cholesterol/stones.
☝🏻 Wala pong herbal o flush na kayang tunawin ito nang ligtas sa loob ng apdo.
☝🏻 Kahit may gamot na Ursodeoxycholic acid, selected cases lang (very small, non-calcified stones), at bumabalik din ang bato madalas at madalas, complicated na ang surgery o nalaglagan na ng bato sa bile duct ang pasyente pag pumunta sa surgeon.
💡 Ano ang pinakaligtas at talagang epektibo?
✅ Laparoscopic cholecystectomy
✔️ Mabilis, small cuts lang
✔️ 1–2 days uwi na
✔️ Pinipigil ang future attacks at komplikasyon
💡 Kung problema po ang gastos, marami naman pong paraan kung paano makatipid:
✔️ HMO coverage
✔ PhilHealth coverage
✔ Government hospitals na mas mura
✔ Schedule na hindi emergency para hindi lumaki expenses
✔ Assistance sa MSW / PCSO kung kailangan
☑️ Kung ikaw ay may bato sa apdo, magpa konsulta agad sa SURGEON o mag PM kay Dr. Candace London - General and Laparoscopic Surgery para sa agarang sagot.
SURGERY CAN SAVE LIVES! Wag na paabutin sa mga komplikasyon at pagkabara ng bato sa bile ducts bago magpa konsulta!
📲 Mag text/iMessage/Viber/Telegram/WhatsApp sa (0976) 117 6952.