17/06/2020
Mga benepisyo ng flu vaccine at pneumococcal vaccine.
Ang “flu” ay isang sakit dulot ng flu virus o “Influenza”. Marami itong “strains” o kapamilya na pare-parehong nagdudulot ng iisang sintomas sa upper airway, tulad ng sipon, pagbabara ng ilong, sakit ng ulo at lagnat. Ito ay maaaring lumala kung ang katawan ay babagsak ang resistensiya at magkakaroon pa ng tinatawag na “superimposed bacterial infection” o “pneumonia”. Dito makikita ang paglala ng sintomas sa lower airway tulad ng pag-ubo, hirap sa paghinga, mabilis mahapo at lagnat. Kung ang isang tao ay mayroong iba’t-ibang sakit bago dapuan ng flu (tulad ng COVID-19), ito ay maaring simulan ng paglala ng sintomas.
Ayon sa mga eksperto sa Unibersidad ng Pilipinas, 3% ng may COVID-19 carriers ay madaling mahawa ng influenza at pneumonia at dahil dito, ang symptoms ng COVID ay maaring lumala at magdulot ng pagkamatay.
Ang flu virus ay maaaring maiwasan kung may proteksyon ng flu vaccine. Ito ay binibigay once a year bago ang seasonal flu o panahon ng tag-ulan, sa mga buwan ng Feb-June, dahil ito ang panahong mataas ang influenza infection. Kapag ang latest na World Health Organization (WHO) vaccine strains ay maging available na ay maaari nang magpabakuna.
Sino ang maaaring tumanggap ng bakuna?
• May edad 50 pataas
• Sanggol na 6 – 23 buwan
• Bata at matanda na may mga mabibigat na karamdaman (congestive heart failure, hypertensive cardiovascular disease, valvular heart disease, rheumatic heart disease, stroke, COPD, asthma, bronchitis, chronic renal dysfunction, diabetes)
• Mga health care workers (doctors, nurses, dentists, atbp.)
• Lahat ng buntis at nagpapasuso ay maaari ring tumanggap ng flu vaccine. Ito ay mas may benepisyo sa mga buntis na may ibang medical conditions tulad ng asthma, hypertension, diabetes, systemic lupus, thyroid disorder, at heart conditions.
• Bata o matanda na gustong maiwasan ang sakit na influenza.
Ang Pneumonia naman ay maaaring maiwasan kung may proteksyon ng pneumococcal vaccine. Ito ay may dalawang klase: PCV13 (Prevnar13) at PPSV-23 (Pneumovax23).
Sino ang maaaring tumanggap ng bakuna? Ito ay ayon sa CDC guidelines (Center for Disease Control).
• PCV 13
- ≤2 years old
- ≥2 taon pataas na may ibang medical na kondisyon
(Ito ay ibinibigay sa mga bata ng 2,4,6,12, at 15 months ng isang dose)
- 65 years old na may medical condition
• PPSV23 (single dose kada 5 taon)
- ≥65 year old, 2-65 years old na may medical na kondisyon
- 19-64 years old na naninigarilyo
- Ayon sa maraming pag-aaral, wala pang nakakapagpatunay na ito ay makakasama sa isang buntis o sa sanggol sa sinapupunan, subalit para lamang sa pag-iingat, mas mainam na ibigay ito sa mga babae bago pa lamang mag-buntis.
- Sa mga buntis na may medical conditions, ito ay maaaring ibigay sa 2nd and 3rd trimester.
Sino ang hindi pwedeng tumanggap ng vaccine?
• Mga taong may severe allergic reaction sa mga pagkain at gamot.
• Kasalukuyang may lagnat.
Ang mga ito ay mainam na proteksyon laban sa sakit subalit laging tandaan na ang kalinisan sa katawan ang pangunahing pag iingat upang hindi magkasakit. Para sa ibang katanungan maaring mag-PM sa page na ito o mag-set ng schedule for consultation. VACCINES AVAILABLE, PM FOR INQUIRIES ➡️ Doc Kathleen Miranda
Please click the link below for inquiries:
https://www.facebook.com/DocKathleen/photos/a.111675570585870/119395796480514/?type=3¬if_id=1593068046094611¬if_t=page_post_reaction