10/10/2025
Ingat mga kababayan! 🙏🏻🇵🇭
🚨 MAG-INGAT SA BANTA NG TSUNAMI MATAPOS ANG LINDOL 🚨
Ayon sa PHIVOLCS, posible na magkaroon ng tsunami na maaaring umabot o lumampas sa 1 metro ang taas sa mga baybayin ng Eastern Samar, Dinagat Islands, Davao Oriental, Leyte, Southern Leyte, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
Ito ay bunsod ng lindol na yumanig sa Davao Oriental at mga karatig nitong probinsya kaninang umaga.
❗Alamin ang mga sumusunod na senyales ng paparating na tsunami❗
🏚️ Lindol na sobrang lakas na halos hindi ka na makatayo
🌊 Mabilis na pag-urong ng dagat
🔊 Kakaibang tunog na parang may papalapit na alon
Paalala ng DOH: Agad na lumikas sa mas mataas na lugar o papalayo sa dagat!
☎️ Tumawag sa National Emergency Hotline 911 kung kailangan ng tulong.
Source: PHIVOLCS