Can-avid HEPO

Can-avid HEPO LGU Can-avid supports HEALTHY PILIPINAS, a HPF Strategy that supports the implementation of the Universal Health Care Act 11223.

HPFS aims to enable social change to improve social determinants of health resulting better health outcomes.

28/11/2025
24/08/2025

‼️KASO NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE, PITONG BESES NA MAS MATAAS NGAYONG TAON KUMPARA NOONG 2024‼️

Sa tala ng DOH as of August 9, 2025, pumalo na sa 37,368 ang kaso ng Hand, Foot and Mouth disease o HFMD – mas mataas ito ng higit pitong beses kumpara sa 5,081 na kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Kalahati sa mga naitalang kaso ay mga batang edad isa hanggang tatlong taong gulang.

Ang HFMD ay isang nakakahawang sakit na pwedeng makuha kung humawak sa mata, ilong, o bibig gamit ang kamay na nahawakan ang bagay na kontaminado ng virus.

Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, singaw sa bibig, pananakit ng lalamunan, at mga butlig sa palad at talampakan.

Payo ng DOH, sakaling magkaroon ng mga sintomas ang isang bata ay panatilihin muna ito sa bahay nang pito hanggang sampung araw o hanggang sa panahong mawala ang lagnat at matuyo na ang mga sugat.

Mahalaga rin na ihiwalay ang mga kubyertos at iba pang personal na kagamitan ng taong maysakit na HFMD at linisin ang lugar kung saan sila nanatili gamit ang disinfectant.

Facebook Link: https://web.facebook.com/share/p/19Yi86WFNP/





24/08/2025

❗️1 SA 5 NA NAMAMATAY NA PLHIV AY DAHIL SA TB❗️

Mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang isang PLHIV dahil sa mahinang immune system. Kapag hindi naagapan, maaaring magdulot ito ng malubhang komplikasyon na posibleng humantong sa kamatayan.

Ang HIV at TB co-infection ay maiiwasan sa pamamagitan ng regular na TB screening, tuloy-tuloy na pag-inom ng antiretroviral therapy (ART), at paggamit ng Tuberculosis Preventive Treatment (TPT).

Ang ART at TPT ay available sa HIV Care facilities malapit sa inyo: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. 🏥




24/08/2025

‼️ ANO ANG TOTOO AT FAKE NEWS TUNGKOL SA TB? ‼️

Ang Tuberculosis o TB ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng ubo, bahing, at dura. Hindi ito naipapasa sa simpleng paghawak ng kamay, o pagkatuyo ng pawis sa likod.

Ito ay naaagapan at nagagamot kung malaman nang maaga! Isang x-ray lang ang kailangan!

💬 Kumonsulta agad sa pinakamalapit na TB-DOTS para malaman kung may TB at magamot agad: bit.ly/TBDOTSFacilities

Source: World Health Organization




24/08/2025

❗️TINGNAN: MGA PARAAN TO ❗️

Ang Tuberculosis o TB ay kayang mapigilan sa pamamagitan ng:
infection control
BCG vaccination sa mga sanggol
Tuberculosis Preventive Treatment o TPT para sa mga close-contacts at high-risk population!

Ang mga ito ay madaling gawin, epektibo at ligtas! Kumonsulta sa pinakamalapit na TB-DOTS para sa libreng testing, gamot, at TPT: bit.ly/TBDOTSFacilities




18/06/2025
07/06/2025

‼️ WARNING: GRAPHIC CONTENT ‼️

Daga ka ba? 🐁 Bakit ka humihithit ng lason para sa daga? ☠️

Ang arsenic, isa sa mga pangunahing sangkap sa lason ng daga, ay matatagpuan din sa usok ng sigarilyo!

🚭 Hindi lang ikaw ang nalalason, kundi ang mga kasama mong nakakalanghap ng usok mo.

🚭 Kaya itigil mo na yang paninigarilyo mo! Huwag magyosi, huwag magvape! At kung kailangan mo ng tulong magquit, tumawag sa DOH Quitline 1558.

07/06/2025

Walang mukha o kasarian ang HIV at AIDS.

Importanteng malaman ang HIV status para maaga ang pagkuha ng serbisyong makatutulong sa pagmanage nito.

Hatid ng DOH ang libreng:
🛡️ Combination prevention method (condoms, lubricant, at PrEP)
🔎 HIV screening at confirmatory testing
💊 Antiretroviral therapy
🧠 Mental health at psychosocial support

Alamin ang mga serbisyo para sayo: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs.




07/06/2025
07/06/2025
07/06/2025

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro 🕓: Taob 🪣, Taktak 💧, Tuyo 🌞, Takip 🛢️ — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya 👨‍👩‍👧‍👦!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





Address

Can-Avid
6806

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Can-avid HEPO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram