Quezon Provincial Hospital Network - Candelaria

Quezon Provincial Hospital Network - Candelaria Candelaria Municipal Hospital is a LEVEL 1 core referral hospital of the Second District of Quezon providing quality preventive and curative health care.

The Vision
Level 1 core referral hospital of the Second District of Quezon providing quality preventive and curative health care. A model ILHZ referral hospital with qualified and skilled Medical, Nursing and Allied Personnel. Our Mission
Provide quality Health Care Services compliant with DOH and PhiHealth licensing body utilizing innovative services through effective use of information technology. Provide effective referral system through Service Delivery Networking.

04/12/2025
Nobyembre 14  ay 🧡 World Diabetes Day 💙Ngayong World Diabetes Day, nakikiisa ang QPHN–Candelaria sa pagpapalaganap ng ka...
13/11/2025

Nobyembre 14 ay
🧡 World Diabetes Day 💙

Ngayong World Diabetes Day, nakikiisa ang QPHN–Candelaria sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa diabetes — isang kundisyon kung saan mataas ang asukal sa dugo at maaaring magdulot ng komplikasyon kung mapabayaan.

Ang tema ngayong taon, “Diabetes Across Life Stages,” ay paalala na mahalaga ang pangangalaga sa kalusugan sa bawat yugto ng buhay — bata man o matanda.

⚠️ Mga senyales na dapat bantayan: madalas na pag-ihi, labis na pagkauhaw, pagpayat, malabong paningin, at pamamanhid sa kamay o paa.

💡 Tandaan:
🍎 Kumain ng masustansiya
🚶‍♀️ Mag-ehersisyo araw-araw
💧 Uminom ng maraming tubig
🩸 Magpa-blood sugar check

Para sa Malusog, Matalinong Mamamayan ng Candelaria! 💙🧡


06/11/2025

🧡 QPHN–Candelaria joins the 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill!

📅 November 6, 2025 | 9:00 AM
🇵🇭 In support of the DOH and NDRRMC directive to build a culture of safety and preparedness.

Ang Quezon Provincial Hospital Network – Candelaria ay nakilahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa kaligtasan, kahandaan, at resilience ng ating mga healthcare workers at pasyente. 💪

Sa ganap na 9:00 AM, sabay-sabay nating isinagawa ang “Duck, Cover, and Hold”, ang tamang paraan ng pagprotekta sa sarili kapag lumilindol.
Sinimulate din ng aming team ang evacuation procedures at emergency response activation, katuwang ang aming mga local disaster management partners.

Layon ng drill na ito na palakasin ang ating kahandaan para sa posibleng “Big One” at paigtingin ang koordinasyon sa oras ng sakuna.

🧡 “Bawat Segundo Mahalaga.”
💚 “Ligtas ang Bayan Kung Handa ang Mamamayan.”







30/10/2025

Happy Nurses Week sa ating mga bayaning may puso at malasakit! 🧡

Sa pagdiriwang ng Nurses Week, ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nars ng Quezon Provincial Hospital Network – Candelaria.

Kayo ang sandigan ng ating mga pasyente—ang unang nagbibigay ng ginhawa, ngiti, at pag-asa sa bawat araw ng inyong serbisyo. Sa gitna ng pagod, kayo pa rin ang nagbibigay ng lakas. Sa oras ng pangamba, kayo ang nagiging tinig ng kapanatagan.

Salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at pagmamahal sa propesyon. Tunay na kayo ang puso ng pangangalaga at pag-asa sa ating komunidad. 🧡

Mabuhay ang ating mga QPHN Candelaria Nurses!

Maligayang Kaarawan sa aming butihing Chief of Hospital!Ang iyong malasakit, dedikasyon, at propesyonalismo ay tunay na ...
27/10/2025

Maligayang Kaarawan sa aming butihing Chief of Hospital!
Ang iyong malasakit, dedikasyon, at propesyonalismo ay tunay na kahanga-hanga. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa iyong pamumuno sa QPHN–Candelaria! 🧡


16/10/2025

QPHN–Candelaria Celebrates Its 41st Founding Anniversary!

Ipinagdiwang ng Quezon Provincial Hospital Network–Candelaria ang ika-41 Anibersaryo nito sa pamamagitan ng isang Thanksgiving Mass na ginanap sa San Pedro Bautista Church, pinangunahan ni Rev. Fr. Jetson M. Rey, at dinaluhan ni Mayor George “Ogie” Suayan.

Sinundan ito ng program proper sa QPHN–Candelaria grounds, na dinaluhan din ni Mayor Ogie kasama nina Hon. Aileen Malabanan, Hon. Bebe Alcala, at Hon. Keith Mikhal “Doc Kim” Tan, kasama ang ating Chief of Hospital, Dr. John Loria, at ang buong QPHN–Candelaria family — mga doktor, nurses, at staff.

Sa loob ng 41 taon, patuloy na pinapatunayan ng QPHN–Candelaria na ito ay tahanan ng malasakit at serbisyo — “Serbisyong Tunay at Natural” para sa sambayanan. 💙

14/10/2025

🩺 QPHN–Candelaria Newborn Screening Caravan 🍼

In celebration of its 41st Founding Anniversary, QPHN–Candelaria held a Newborn Screening Caravan last Tuesday, October 14, 2025.

Newborn Screening (NBS) is a valuable tool in safeguarding every child’s future. It allows early detection of rare but serious health conditions, enabling timely treatment and care that can prevent disability, developmental delay, or even death.

Through this initiative, QPHN–Candelaria reaffirms its commitment to promoting child health and ensuring that every newborn gets the best start in life. 🧡

08/10/2025

🎉 Happy 41st Anniversary, QPHN-Candelaria! 🎉

41 taon ng serbisyong may malasakit para sa bawat Candelariahin at karatig-bayan!

🧡💙

📌 Narito ang ating week-long activities:
🍼 Okt 14 – Newborn Screening Caravan
🩸 Okt 15 – Blood Letting Activity (kasama ang QMC Blood Bank)
🙏 Okt 16 – Anniversary Proper: Thanksgiving Mass, Program, at Lunch Fellowship
🌈 Okt 17 – HIV Awareness Campaign & Free HIV Testing (kasama ang RHU Candelaria)

Maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala. Sama-sama tayong magdiriwang at magpapatuloy sa serbisyong tapat at may malasakit!

🧡💙

01/10/2025

Buong pusong pagbati at dalangin ng mabuting kalusugan at walang sawang inspirasyon para kay

Gov. Doktora Helen Tan 🧡💐

Nawa’y lagi kayong gabayan ng Diyos sa bawat hakbang at mas lalo pang maging matatag sa inyong misyon ng malasakit at serbisyo — mula sa inyong QPHN Candelaria family.

September is  Generics Awareness Month! 💊Tema: “Generics, Kalusugan ng Bawat Pilipino!” 🇵🇭Alam mo ba?Ang gamot na generi...
17/09/2025

September is Generics Awareness Month! 💊

Tema: “Generics, Kalusugan ng Bawat Pilipino!” 🇵🇭

Alam mo ba?
Ang gamot na generic ay ligtas, epektibo, at mas abot-kaya kumpara sa branded—kaya’t mas maraming pamilya ang nagkakaroon ng pagkakataon sa tamang gamutan at pangangalaga.

👉 Narito ang ilang paalala para sa ating lahat:
✅ Suriin ang etiketa – hanapin ang generic name (naka-CAPS).
✅ Magtanong sa doktor o parmasyutiko kung may available na generic.
✅ Pumili ng lisensyadong botika – siguraduhin na FDA-approved ang gamot.
✅ Maging tagapagtaguyod – ibahagi ang tamang kaalaman tungkol sa generics.

Sa QPHN Candelaria, naniniwala kami na ang tamang impormasyon ay susi tungo sa mas malusog at mas matibay na komunidad. 💚

💊 Tiwala sa Generics, Tiwala sa Kalusugan! 💊




🧹🧼 Biyernes ay Hospital Sanitation Day!Nakikiisa ang Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Candelaria sa pagpapatu...
16/08/2025

🧹🧼 Biyernes ay Hospital Sanitation Day!
Nakikiisa ang Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Candelaria sa pagpapatupad ng MO No. DHT-251, na naglalayong tiyakin ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan sa loob ng ating ospital.

Dahil ang malinis na kapaligiran ay mahalaga para sa ligtas at de-kalidad na serbisyong medikal para sa bawat pasyente. 🧡

Address

Candelaria Municipal Hospital, Sampaguita Street Brgy. Masin Norte
Candelaria
4323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon Provincial Hospital Network - Candelaria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Quezon Provincial Hospital Network - Candelaria:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category