18/12/2025
OPISYAL NA PAUNAWA PARA SA MGA DARATING NA PISTA OPISYAL
Ipinapaalam po ng pamunuan ng QUEZON PROVINCIAL HOSPITAL NETWORK - CANDELARIA sa lahat ng aming mga pasyente na ang OPD ay SARADO sa mga sumusunod na petsa bilang paggunita sa mga pista opisyal:
đź“… Mga Petsa ng Pagsasara:
Disyembre 24–25 (Bisperas ng Pasko at Araw ng Pasko)
Disyembre 30–31 (Rizal Day at Bisperas ng Bagong Taon)
Enero 1 (Araw ng Bagong Taon)
Magbabalik po ang regular na operasyon ng OPD sa Enero 2.
Pinapayuhan po ang lahat ng pasyente na magpa-iskedyul ng konsultasyon nang mas maaga upang maiwasan ang anumang abala. Para sa mga agarang pangangailangang medikal sa mga nabanggit na petsa, mangyari lamang pong pumunta sa aming Emergency Room (ER).
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pag-unawa at patuloy na pagtitiwala sa QUEZON PROVINCIAL HOSPITAL NETWORK - CANDELARIA.
Lubos na gumagalang,
QUEZON PROVINCIAL HOSPITAL NETWORK - CANDELARIA