02/11/2025
🌪️ Alamin ang Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS)!
Mas mataas ang numero, mas malakas ang hangin at mas malala ang pinsalang maaaring idulot ng bagyo.
🌀 Signal #1 – Banayad na pinsala sa magaang bahay at aktibidad
🌀 Signal #2 – Posibleng pinsala sa mahihinang estruktura at pagkawala ng kuryente
🌀 Signal #3 – Malawakang pinsala at tuloy-tuloy na brownout
🌀 Signal #4 – Matinding pinsala, malawakang pagkawala ng kuryente at panganib kahit nasa loob ng bahay
🌀 Signal #5 – Lubhang mapaminsalang hangin, pagbagsak ng puno, at seryosong panganib sa buhay at ari-arian
📢 Maging alerto, makinig sa abiso ng PAGASA at LGU, at agad na umaksyon kung kinakailangan.