24/07/2025
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀
𝐇𝐀𝐍𝐃, 𝐅𝐎𝐎𝐓,𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐃𝐈𝐒𝐄𝐀𝐒𝐄 (𝐇𝐅𝐌𝐃)
Public Advisory No. 2025-026 | July 21, 2025
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa rehiyon, muling pinapaalalahanan ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ang publiko na maggnatiling alerto, maalam, at responsable upang maprotektahan ang sarili, pamilya, at komunidad labanl sa sakit na ito.
𝗔𝗻𝗴 𝗛𝗙𝗠𝗗 𝗮𝘆 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗵𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘃𝗶𝗿𝗮𝗹 𝗱𝗶𝘀𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗴𝗴𝗼𝗹 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻. Bagama’t kadalasang mild, self-limiting, at hindi nakakamatay, ito ay maaari pa ring magdulot ng seryosong komplikasyon tulad ng meningitis, encephalitis, at polio-like paralysis kung sakasakaling hindi maagapan.
𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗶𝗵𝗮𝗵𝗮𝘄𝗮:
Ang HFMD ay karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng direktang pagdikit sa mga likido mula sa ilong, bibig, at laway o mga respiratory droplets o di kaya likido mula sa mga paltos o sugat ng taong may impeksyon. Maari rin itong makuha sa paggamit ng mga kontaminadong bagay tulad ng kubyertos, baso, laruan.
𝗠𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝘁𝗼𝗺𝗮𝘀:
Lagnat, masakit na lalamunan, panghihina ng katawan o pagkabalisa, mapupulang butlig o singaw sa dila, ngalangala, o loob ng bibig, rashes sa palad, kamay, talampakan, at iba pang bahagi ng katawan, pagiging iritable ng mga sanggol at bata, at kawalan ng gana sa pagkain.
𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗶𝘁𝗼 𝗺𝗮𝗶𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻:
1. Ugaliin ang madalas at tamang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, o alcohol-based sanitizer.
2. Iwasan ang pagbabahagi ng mga personal na bagay gaya ng kutsara, baso, twalya, at iba pang kagamitan.
3. Linisin at i-disinfect ang mga kwarto, silid-aralan, mga kagamitan, at surfaces gamit ang karaniwang household disinfectants.
4. Kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung nakararamdam ng mga sintomas.
5. Agad na i-isolate ang may sakit upang maiwasan ang pagkahawa sa iba.
6. Siguraduhing mananatili sa bahay ang mga batang may sintomas hanggang sa sila ay ganap nang gumaling. Iwasang makihalubilo sa nakararami.
Sa karagdagang impormasyon at gabay, basahin ang DOH Department Memorandum No. 2022-0572 sa link na ito:https://tinyurl.com/mumjz557
Maging mapanuri at responsable sa pagprotekta sa ating kalusugan. Sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa DOH at sa lokal na pamahalaan. Sa sama-samang pag-iingat at pagkilos, mapipigilan natin ang pagkalat ng HFMD at mapapanatili natin ang kaligtasan ng ating mga komunidad.