10/10/2025
Niyanig ng malalakas na lindol ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan, kabuhayan, mga mahal sa buhay at madami din ang nasaktan. Ang iba ay nakaligtas sa pisikal na pinsala, ngunit hanggang ngayon ay dala ang takot, trauma, at labis na pag-aalala — mga sugat na hindi nakikita ngunit mabigat sa isipan. 💔
Sa ganitong panahon, okay lang hindi maging okay. Ang unang hakbang sa paghilom ay ang pagtanggap na nasasaktan ka at ang paghahanap ng tulong. May mga handang makinig, umalalay, at gumabay—huwag kang matakot na lumapit.
💚 “Panginoon, sa bawat puso at isipan na pagod at takot, Ikaw nawa ang maging sandigan. Palakasin Mo kami, pagalingin ang aming mga sugat, at ituro ang daan patungo sa pagbangon.”
Kahit gaano kalakas ang lindol, mas matatag pa rin ang pusong marunong magmahal, umunawa, at manalig.
🤍 Kung kailangan mo ng kausap o gabay, andito kami — handang tumulong at makinig. 🙏💚