02/03/2026
ALAM MO BA ANG TUNAY NA EPEKTO NG PAGBABATO (M**H / SHABU)?
Ang paggamit ng shabu o methamphetamine ay hindi simpleng bisyo isa itong mapanirang droga na unti-unting kumikitil sa utak, katawan, relasyon, at kinabukasan ng isang tao.
Sa Utak
Sinisira nito ang brain structure at normal na function ng isip. Nagdudulot ng matinding anxiety, depresyon, pagkalito, at pabago-bagong emosyon na halos hindi na makontrol.
Sa Isip at Pag-uugali
Maaaring makaranas ng paranoia at hallucinations pakiramdam na may nagmamasid o gustong manakit kahit wala naman. Nagiging iritable, agresibo, at minsan marahas ang kilos.
Sa Katawan at Pakiramdam
May tinatawag na “meth bugs” pakiramdam na may gumagapang sa balat kaya tuloy-tuloy ang pagkakamot na nagdudulot ng sugat, impeksyon, at permanenteng peklat.
Sa Ngipin at Bibig
Nagdudulot ng “meth mouth” malubhang pagkasira ng ngipin at gilagid, mabahong hininga, matinding sakit, at permanenteng damage.
Sa Mahahalagang Organs
Hindi lang utak ang naaapektuhan sinisira rin nito ang puso, bato (kidney), at buong katawan. Maaaring humantong sa stroke, heart attack, organ failure, o kamatayan.
Sa Buhay at Pamilya
Marami ang napipilitang magsinungaling, magnakaw, o ibenta ang sariling gamit — at minsan pati dignidad para lamang masuportahan ang bisyo. Nasasaktan hindi lang ang gumagamit, kundi buong pamilya.
TIGILAN NA ANG PAGBABATO.
Walang magandang naidudulot ang droga tanging sakit, pagkasira, at pagkawala ng pangarap.
MAY PAG-ASA PA. MAY BAGONG SIMULA.
Humingi ng tulong. Piliin ang buhay. Piliin ang pamilya. Piliin ang kinabukasan.
PANHERO ANG TAMANG LANDAS REHABILITATION CENTER
📍 Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite (Tagaytay area)
📱 0917-539-8883
☎️ (046) 889-8978
✨ Hindi ka nag-iisa. May mga taong handang tumulong sa iyong makabangon.