22/09/2025
September is World Leukemia Awareness Month!
Ang Leukemia ay ang nangungunang uri ng blood cancer sa Pilipinas, mas mataas ang bilang kumpara sa lymphoma at multiple myeloma. Sa talaan ng mga sakit, ito ay ika-8 sa morbidity at ika-5 sa mortality.
Madalas ay hindi agad natutukoy ang leukemia dahil sa mga sintomas na tila karaniwan lamang, tulad ng matinding pagkapagod, biglaang pagbagsak ng timbang, at lagnat.
π Dahil dito, mahalaga ang maagang pagsusuri sa pamamagitan ng simpleng test gaya ng complete blood count.
Source:
National Cancer Institute. (n.d.). LeukemiaβCancer stat facts. SEER Cancer Statistics. https://seer.cancer.gov/statfacts/html/leuks.html
Mayo Clinic Staff. (n.d.). Leukemia: Symptoms and causes. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/leukemia/symptoms-causes/syc-20374373