Barangay San Juan Calamba City

Barangay San Juan Calamba City One of The Barangay in Calamba City
Nearby at The City Town Plaza, Calamba City

ISANG MALUGOD NA PAGPAPALA NG KABANALAN Ang pagbati ng bumubuo ng Sangguniang Barangay ng San Juan sa ating kabarangay a...
22/11/2025

ISANG MALUGOD NA PAGPAPALA NG KABANALAN

Ang pagbati ng bumubuo ng Sangguniang Barangay ng San Juan sa ating kabarangay ang bagong ORDINANG PARI Rv. Fr. JOSE MARI P. CANUSA. Tunay na ito ay isang pagpapakita ng kabanalan at kaluguran mula sa ating Diyos at kay Hesus na ating tagapagligtas.

Kami po ay kaisa ninyo sa isang malalim na pananampalatayang Kristiyano. Nawa'y puspusin ng kabanalan at pagpapala ang inyong paglilingkod bilang bagong pari.

(c) Picture from Roman Catholic Church of St. John The Baptist

Magandang Araw po. Para po sa ating isasagawang CHILDRENS' CAMP 2025 narito po ang mga tagubilin at aming paalala para s...
22/11/2025

Magandang Araw po.

Para po sa ating isasagawang CHILDRENS' CAMP 2025 narito po ang mga tagubilin at aming paalala para sa Nobyembre 30, 2025.

HANGGANG NGAYONG HAPON NA LAMANG PO PWEDENG MAGPATALA SA GOOGLE FORM na nauna na naming na isend sa dito sa page.

MARAMING SALAMAT PO.

NOVEMBER 22, 2025:: FRIDAYMENTAL HEALTH AND ANTI- BULLYING CAMPAIGNSa ating patuloy na pakikiisa sa ating mga bata ang S...
22/11/2025

NOVEMBER 22, 2025:: FRIDAY

MENTAL HEALTH AND ANTI- BULLYING CAMPAIGN

Sa ating patuloy na pakikiisa sa ating mga bata ang Sangguniang Barangay ng San Juan at ang Barangay Childrens' Association ay nakipag-ugnayan sa tanggapan ng City Social Welfare and Development Office upang magkaroon ng pagtalakay sa aspeto ng Kalusugang Pag-iisip at sa konsepto ng bullying. Atin itong agad na binigyang pansin lalo na sa ating Paaralang Elementarya ng San Juan. Tinalakay dito ang mga mahahalagang konsepto sa aspeto ng pagtugon sa Mental Health at sa Bullying. Mahalagang matutunann ito ng mga bata upang magkaroon ng kaalaman sa maagap na prebensiyon mula dito.

Nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay ng San Juan at BCA sa malugod na pagtanggap ng CSSYDO sa patulouy nitong suporta sa mga programang pambata sa aming Barangay San Juan.



NOVEMBER 20, 2025:: THURSDAYHEALTHY YOUNG ONES SEMINAR AND ORIENTATION ON REPRODUCTIVE HEALTH LAWSa ating pakikipag ugna...
22/11/2025

NOVEMBER 20, 2025:: THURSDAY

HEALTHY YOUNG ONES SEMINAR AND ORIENTATION ON REPRODUCTIVE HEALTH LAW

Sa ating pakikipag ugnayan sa City Health Office ng Lungsod ng Calamba at sa ating kooperasyon sa San Juan Elementary School ay nagsagawa tayo ng isang programa patungkol sa pagpapalawig ng batas ukol sa reproduksiyon o mas kilala sa tawag na Healthy Young Ones Seminar. Dito ay malayang natalakay ang mga konsepto at mga nilalaman ng Batas ng Reproduksiyon lalo na sa mga kabataan.

Patuloy ang Sangguniang Barangay upang mas mapalalim at mas mapaigting ang ating kampanya kontra sa maagang pagbubuntis ang maagang pagiging magulang ng mga bata.


Ito po yung BAGONG LINK PASUYO PO WAG PONG GALAWIN SAGUTAN LAMANG PO. WAG NIYO PO BAGUHIN. MAG FILL UP PO ULIT NG BAGO. ...
16/11/2025

Ito po yung BAGONG LINK PASUYO PO WAG PONG GALAWIN SAGUTAN LAMANG PO. WAG NIYO PO BAGUHIN. MAG FILL UP PO ULIT NG BAGO.

SALAMAT PO.

MAGANDANG ARAW PO MGA KABARANGAY!
ITO PO ANG BAGONG LINK PARA SA CHILDRENS CAMP 2025

Sa darating pong ika-29 ng Nobyembre, 2025 ay atin pong gaganapin ang ating taunang Childrens' Camp 2025 at Childrens' General Assembly upang mas magkaroon ng mas mahusay pagkakaisa sa ating mga bata at matuto sa kanilang tungkulin at gampanin sa ating lipunan.

Kalakip nito ay ang Google Registration Form na kung saan magpapatala ang mga batang edad 8-17 taong gulang. Isasara po namin ng talaan sa Nobyembre 20, 2025 upang magkaroon ng pangkatan sa kanilang magiging grupo. P**i click lamang ng link sa baba
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeq2VmhmmpO54Lc6zkqSd0YLXgBVXkcwvlJxvfUteEfPSnqqg/viewform?usp=sharing&ouid=114307833219805548888

Ano pang hinihintay mga Batang San Jueños KAYO NAMAN ANG BIDA SA BUWAN NG MGA BATA. :)


MAGANDANG ARAW PO MGA KABARANGAY!ITO PO ANG BAGONG LINK PARA SA CHILDRENS CAMP 2025Sa darating pong ika-29 ng Nobyembre,...
11/11/2025

MAGANDANG ARAW PO MGA KABARANGAY!
ITO PO ANG BAGONG LINK PARA SA CHILDRENS CAMP 2025

Sa darating pong ika-29 ng Nobyembre, 2025 ay atin pong gaganapin ang ating taunang Childrens' Camp 2025 at Childrens' General Assembly upang mas magkaroon ng mas mahusay pagkakaisa sa ating mga bata at matuto sa kanilang tungkulin at gampanin sa ating lipunan.

Kalakip nito ay ang Google Registration Form na kung saan magpapatala ang mga batang edad 8-17 taong gulang. Isasara po namin ng talaan sa Nobyembre 20, 2025 upang magkaroon ng pangkatan sa kanilang magiging grupo. P**i click lamang ng link sa baba
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeq2VmhmmpO54Lc6zkqSd0YLXgBVXkcwvlJxvfUteEfPSnqqg/viewform?usp=sharing&ouid=114307833219805548888

Ano pang hinihintay mga Batang San Jueños KAYO NAMAN ANG BIDA SA BUWAN NG MGA BATA. :)


NOVEMBER 9, 2025:: SUNDAYMONITORING AND EVACUATION DUE TO TYPHOON UWANPatuloy na naka antabay at naka alerto ang Sanggun...
09/11/2025

NOVEMBER 9, 2025:: SUNDAY

MONITORING AND EVACUATION DUE TO TYPHOON UWAN

Patuloy na naka antabay at naka alerto ang Sangguniang Barangay ng San Juan sa pagbabantay at paglikas dahil sa bagyong Uwan. Patuloy nating hinihikayat ang ating mga kabarangay na nasa baybaying ilog na lumikas habang maaga bago ang pagtama ng bagyong Uwan.

Gayundin naman ang Sangguniang Barangay ay naghanda ng mainit na lugaw na pamatid gutom sa gabing malamig.


NOVEMBER 9, 2025:: SUNDAYSa ating agarang pagtugon sa oras ng kalamidad ang Sangguniang Barangay ng San Juan sa pangungu...
09/11/2025

NOVEMBER 9, 2025:: SUNDAY

Sa ating agarang pagtugon sa oras ng kalamidad ang Sangguniang Barangay ng San Juan sa pangunguna ni Igg. Danilo Amparo ay agad na nagbigay ng anusiyo at mga paalala sa ating mga kabarangay na naninirahan sa baybaying ilog ng San Juan.

Tulong tulong tayo sa mga ganitong sitwasyon lalo na mga oras na kailangan tayong umaksiyon at tumugon.


09/11/2025

MGA MAHAHALAGANG NUMERO NA KAILANGANG TAWAGAN SA ORAS NG SAKUNA:

Save these Emergency Hotlines and share them with your family and community. You never know who might need them. ⛑️

In any emergency, don’t hesitate to reach out. Help is just a call away. ☎️

𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦 🚨

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘 - 911

𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗥𝗢𝗦𝗦
Hotline: 143, (02) 527-0000, (02) 527-8385 to 95
Disaster Management Office: 143(Staff), 132(Manager),133(Radio Room)

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗜𝗦𝗞 𝗥𝗘𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟 (𝗡𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖)
Trunkline: 911-5061 to 65
Phone Number: (+632) 91114016, (+632) 9122665

𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔
Hotline: (02) 824-0800

𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗟
Hotline: 117, 722-0650
Text Hotline: 0917-847-5757

𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗
Trunkline: (02) 527-8481 to 89
Action Center: (02) 527-3877
0917-PCG-DOTC 0917-724-3682(Globe)
0918-967-4697

𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗢
0961 966 2000 (Smart)
0917 148 9813 / 0917 103 2834 (Globe)

𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
(049) 545 1694/0918 331 8641

𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗕𝗙𝗣
(049) 545 1695 / 0945 490 4131 - Calamba BFP

𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘 (𝗟𝗗𝗥𝗥𝗠𝗗)
(049) 545 4119 / 0917148 9813 / 0929 858 2345

𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟𝗦

📌𝗝𝗣 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 (049) 545 0882
📌𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗗𝗢𝗖𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 (049) 545 7371
📌𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 (049) 502 2228
📌𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗦𝗘 𝗧𝗥𝗔𝗨𝗠𝗔 (049) 531 7077
📌𝗦𝗧. 𝗝𝗢𝗛𝗡 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 (049) 545 0917
📌𝗚𝗖𝗠𝗖 𝗖𝗔𝗡𝗟𝗨𝗕𝗔𝗡𝗚 (049) 520 5626
📌𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 (049) 545 6858

𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮

𝗦𝗧𝗔𝗖 𝗛𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲 - 0921 907 8886
𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗛𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲 - 545 9211
𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 - 572 4672 / 0917 417 3689

𝗥𝗲𝗱 𝗖𝗿𝗼𝘀𝘀 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 𝗛𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀
- 0928 790 2300 - Trunk Line
- (02) 8790 2300 local 931/932/935

𝗡𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦
- (02) 8911 5061 - Trunk Line

𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿
- (02) 8911 1406
- (02) 8912 2665
- (02) 8912 5668
- (02) 8911 1873

𝗕𝗲 𝗽𝗿𝗲𝗽𝗮𝗿𝗲𝗱, 𝘀𝘁𝗮𝘆 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲𝗱, 𝗮𝗻𝗱 𝗽𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲 𝘀𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆.

November 7, 2025:: FridayEMERGENCY MEETING FOR TYPHOON UWANNagsagawa ng biglaang pagpupulong na pinangunahan ni Igg. Dan...
09/11/2025

November 7, 2025:: Friday

EMERGENCY MEETING FOR TYPHOON UWAN

Nagsagawa ng biglaang pagpupulong na pinangunahan ni Igg. Danilo Amparo para matalakay ang mga paghahanda na kailangan para paparating na bagyo. Inatas din ni Punong Barangay ang mga kanya kanyang assignment ng bawat kawani sa oras ng paghahanda at pagtugon sa oras ng kalamidad.

Patuloy tayong maging alerto at handa sa oras ng mga kalamidad.


Mahalagang Paalala mga Kabarangay
09/11/2025

Mahalagang Paalala mga Kabarangay

Nakataas na po sa Signal Number 3 ang Lalawigan ng Laguna 😔Hinihikayat na po namin ang atin pong mga kabarangay na patul...
09/11/2025

Nakataas na po sa Signal Number 3 ang Lalawigan ng Laguna 😔

Hinihikayat na po namin ang atin pong mga kabarangay na patuloy na mag-ingat at maging alerto lalo na ang aming mga Kabarangay na nasa baybaying ilog ng San Juan.

Patuloy tayong manalangin na hindi tayo masyadong maapektuhan ng Bagyong Uwan 🙏

Address

Brgy. San Juan, Calamba City
Cebu City
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Juan Calamba City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Barangay San Juan Calamba City:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram