27/11/2020
Ayon naman sa mga eksperto, tinatawag na "silent killer" ang
diabetes dahil hindi agad makikita o mararamdaman ang mga sintomas ng sakit sa simula, hanggang sa magkaroon na ng komplikasyon.
“Alam naman natin na mula ulo hanggang paa may dumadaloy na dugo. So ang normal na consistency ng blood sa ating katawan ay dapat kasing-labnaw lamang ng tubig. So imagine if you have a glass of water, and then you put sugar sa ating isang baso ng tubig, the more sugar that you put in that glass of water, mas lalapot po nang lalapot ‘yung tubig na ‘yun. So gano’n po ‘yung nangyayari sa ating pasyenteng diabetic. Habang pataas nang pataas ang kanilang blood sugar, palapot nang palapot po ‘yung dugo na dumadaloy from head to foot,”
Maging ang utak ay hindi lusot sa komplikasyon ng diabetes dahil may mga blood vessels na maaaring mabarahan at puwedeng maging sanhi ito ng stroke.
Bukod dito, 20% ng mga may diabetes ang may katarata habang 10% naman ang mga may komplikasyon sa retina na maaaring mauwi sa pagkabulag.
“Dahil hindi maganda ‘yung daloy ng dugo sa area na ‘yun, ang nangyayari, natutuklap ‘yung retina, ‘yung tinatawag naming retinal detachment so nagko-cause po ‘yon ng panlalabo ng mata… minsan hindi naagapan, ultimately leading to blindness;
Puwede rin mabarahan ang ugat sa puso dahil sa diabetes at mauwi sa myocardial infarction o tinatawag na heart attack.
Kung masuwerteng makaligtas mula sa heart attack, maaari pa rin na magkaroon ng lamat sa puso at kapag hindi naagapan ang paglapot ng dugo, puwede itong mauwi sa heart failure.