27/08/2025
𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮’𝘆 𝗔𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻, 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻!
Ang malinaw na paningin ay mahalaga sa halos lahat ng aspeto ng ating buhay. Maraming kondisyon sa mata ang maaaring humantong sa permanenteng pagkawala ng paningin kung hindi maaagapan. Ang regular na pagsusuri ay susi sa maagang pagtuklas at paggamot.
Ngayong Sight Saving Month, bigyang-pansin ang mga palatandaan ng problema sa mata tulad ng pamumula, panlalabo, pagluluha, pagkakaroon ng "floaters," o pananakit.
Upang mapanatili ang kalusugan ng inyong mga mata, ugaliing magpatingin sa isang espesyalista kahit isang beses sa isang taon. Huwag hayaang maging huli ang lahat.
Tandaan, ang pag-aalaga sa mata, susi sa maliwanag na bukas.