Bhs Eday

Bhs Eday Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bhs Eday, Medical and health, Eday, Columbio.

🩸 MOBILE BLOOD DONATION DRIVE 🩸Tulong Mo, Buhay Ko!Inaanyayahan namin ang lahat na taga BRGY EDAY na maging bahagi ng is...
14/11/2025

🩸 MOBILE BLOOD DONATION DRIVE 🩸
Tulong Mo, Buhay Ko!

Inaanyayahan namin ang lahat na taga BRGY EDAY na maging bahagi ng isang makabuluhang gawain! Muling magsasagawa ang SKPH MBD TEAM ng Blood Letting Activity upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.

📅 Petsa: [NOVEMBER 20, 2025]
📍 Lugar: [Brgy. NATIVIDAD GYMNASIUM ]

Bakit dapat mag-donate?
❤️ Isang donasyon, maaaring makapagsalba ng hanggang tatlong buhay
❤️ Nakakatulong sa komunidad at mga ospital
❤️ Safe, mabilis, at guided ng mga trained medical professionals

Paalala:
▪️ Matulog nang maaga bago ang donation
▪️ Kumain ng magaang pagkain
▪️ Huwag matakot—may mga staff na gagabay sa bawat hakbang

Halina’t magbigay ng pag-asa! Sama-sama nating patunayan na maliit man ang ating kontribusyon, malaki ang magiging epekto nito sa buhay ng iba. 💪❤️



Jocilyn Tiana Jolina Mayo Atam Tiana L. Mary June Che Che Mary June Lawian Junel Tiana Miguel Lumayong Sr.

12/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




06/06/2025

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro 🕓: Taob 🪣, Taktak 💧, Tuyo 🌞, Takip 🛢️ — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya 👨‍👩‍👧‍👦!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





29/05/2025

Bakit Nakakamatay ang Mpox?

Karamihan ng kaso ng Mpox ay mild at gumagaling naman.

Pero delikado ito para sa:
• Mga taong mahina ang immune system (tulad ng may HIV, cancer, o umiinom ng immunosuppressants)
• Mga bata, lalo na under 8 years old
• Mga buntis



⚠️ Mga Dahilan Kung Bakit Maaaring Ikamatay ang Mpox:

1. Malalang Impeksyon at Pinsala sa Organs
– Kapag kumalat ang virus sa loob ng katawan, maaaring tamaan ang baga, atay, o utak.

2. Secondary Bacterial Infection
– Pwedeng pasukin ng bacteria ang mga sugat, at magdulot ng sepsis (matinding impeksyon sa dugo).

3. Problema sa Paghinga
– Kapag may mga lesions sa loob ng lalamunan o baga, pwedeng mahirapang huminga o magkaroon ng pneumonia.

4. Encephalitis (Pamamaga ng Utak)
– Rare pero seryoso. Maaaring magdulot ng seizures, coma, o kamatayan.

5. Matinding Pagkadehydrated o Malnutrition
– Kapag masakit ang lalamunan o bibig dahil sa mga lesions, nahihirapan kumain o uminom, lalo na ang mga bata.



📊 Gaano Kadalas ang Namamatay?

• Clade I (Central Africa strain) – hanggang 10% fatality rate
• Clade II (West Africa strain) – mas mild, less than 1% fatality

Ang karamihan sa mga kaso ngayon ay mula sa Clade II, pero panganib pa rin ito sa mga high-risk na pasyente.

Doc Marites Health is a public service feature of this Page
(Marites is short for Mata, Richard Tesoro)
Follow for more.

25/05/2025

Address

Eday
Columbio
9801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bhs Eday posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram