28/03/2024
Tamang Pagbasa sa Nutrition Label
Kapag may binibili tayo na nakapakete, basahin munang mabuti ang Nutrition Label. Tapos ang Ingredients.
🔹"SERVING SIZE"
Ito ang kalimitang na consume sa isang kainan. Kung mas malaki ang pakete, mas marami ang servings.
🔹"CALORIES"
Ito ang energy na nilalaman. Sa mga nag "Calories In, Calories Out" o Calorie counting, ito ang pinaka importante sa kanila.
Sa nag LC diet, hindi ito importante. So long as carbohydrates are restricted (4 calories/gram), we can eat calorie dense foods like fat (9 calories/gram), as long as it is a saturated fat, monounsaturated fat, or DHA/EPA (Omega 3 fat)
🔹"FAT"
Wala dapat na trans fat. Ang polyunsaturated fat ay dapat wala, or konti lang. Sa label sa baba, ang nakalagay lang ay Saturated Fat at Trans Fat.
By deducting Total Fat from Saturated Fat (4% - 1.5% = 2.5%), we will know that the balance will be an unsaturated fat (monounsaturated or polyunsaturated). Basically ang mga unsaturated fat ay not heat stable at more prone to oxidation.
Sa Ingredients, makikita kung ano ang mga fats na ginamit. Kadalasan, ang unsaturated fats na ginagamit sa processed foods ay mga seed oils (corn, soya, sunflower, canola) na kailangan nating iwasan.
🔹"CHOLESTEROL"
Huwag itong pansinin. Ang dietary cholesterol (o cholesterol na galing sa pagkain) ay walang impact sa ating blood cholesterol level.
Kaya ang latest na sinabi ng FDA:
"Dietary cholesterol is not a nutrient of concern for overconsumption"
🔹"SODIUM"
Sa naka LC diet, maganda ito. In fact, we need to add more sodium to our food.
Sa mga HC diet naman, karamihan sa kanila ay salt sensitive.
🔹"TOTAL CARBOHYDRATE", "SUGAR", "FIBER"
Ito ang most important sa ating metabolic health. Kapag insulin resistant ka, pre-diabetic or diabetic, this should be as low as possible. Sa naka LC diet, note ang "net Carb" at i kumpara sa carb limit mo (very low carb or ketogenic, moderate LC, or liberal LC).
Sa baba, ang Net Carb ay Total Carbohydrate (10 grams) less Dietary Fiber (5 grams) = 5 grams. Tapos sa 5 grams na yan, ang sugar ay 3 grams. The other 2 grams carb could be from starch, wheat or other complex carbs.
So kung ketogenic ang diet mo (carb limit of 20 grams net carb max daily), pwede pa rin ito since meron lang syang 5 grams net carb.
Sa may mga health condition na kailangang iwasan ang fructose at glucose (fatty liver, gut issues, immune system disorders, diabetes, obesity, cancer, CKD, GERD, PCOS, cardiovascular disease, etc), mas maganda yung walang sugar. Sugar (or sucrose) is half glucose at half fructose.
🔹"PROTEIN"
Mas mataas ito, mas maganda.
Yan. Pag praktisan na! 😃
Ctto: Marco Reyes Rche
I wish you Health ❤️