CSGH Swab Test Online Registration

CSGH Swab Test Online Registration This page had been design for the online registation of patients who request to have COVID 19 RT-PCR

22/06/2022

ANUNSYO
June 22, 2022 (Wednesday)

Wala pong konsulta sa Out-Patient Department (OPD) bukas, June 23, 2022 (Huwebes).

Mangyaring tumawag sa OPD Hotline No. 0907-1327938
ang may mga appointment o follow-up check- up sa Pediatrics at Obstetrics and Gynecology Department para sa kanilang bagong schedule.

Maraming salamat po!
CSGH Management

Magandang Araw mula sa CSGH Telemedicine Unit. Para sa mga gustong magpalista o magparehistro para sa Prosthesis and Cle...
19/04/2022

Magandang Araw mula sa CSGH Telemedicine Unit.
Para sa mga gustong magpalista o magparehistro para sa Prosthesis and Cleft lip/ cleft palate Surgical Mission, mangyaring i-click lamang po ang link sa ibaba.
LINK: https://docs.google.com/.../1WuTC6y9cQsjitdfkaqzi5AD.../edit

Magtatapos ang pagpapalista para sa Prosthesis sa April 22, 2022 samantalang sa April 29, 2022 naman para sa Cleft lip/Cleft Palate Surgical Mission.
Para sa mga katanungan at klaripikasyon, makipag-ugnayan lamang po dito sa amin. Sasagot kami sa inyong mga katanungan simula Lunes hanggang Biyernes, alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon, maliba na lamang kung ito ay matapat sa araw ng holiday.
page: CSGH Online Consultation
Hotline Number: 0963-216-3846
Maraming Salamat.

Magandang Araw mula sa CSGH Telemedicine Unit.

Para sa mga gustong magpalista o magparehistro para sa Prosthesis and Cleft lip/ cleft palate Surgical Mission, mangyaring i-click lamang po ang link sa ibaba.

LINK: https://docs.google.com/forms/d/1WuTC6y9cQsjitdfkaqzi5ADn22eOSstUfPhXWnTrlCM/edit

Magtatapos ang pagpapalista para sa Prosthesis sa April 22, 2022 samantalang sa April 29, 2022 naman para sa Cleft lip/Cleft Palate Surgical Mission.

Para sa mga katanungan at klaripikasyon, makipag-ugnayan lamang po dito sa amin. Sasagot kami sa inyong mga katanungan simula Lunes hanggang Biyernes, alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon, maliba na lamang kung ito ay matapat sa araw ng holiday.

page: CSGH Online Consultation
Hotline Number: 0963-216-3846

Maraming Salamat.

05/01/2022
Together we shall overcome! :)
05/05/2021

Together we shall overcome! :)

CSGH ANNOUNCEMENT 🙂
30/03/2021

CSGH ANNOUNCEMENT 🙂

CSGH ANNOUNCEMENT

SIMULA MARCH 24, 2021 (MIYERKULES) ANG ISKEDYUL NG KONSULTA SA OPD AY ANG MGA SUMUSUNOD:LUNES            -      CORONMAR...
23/03/2021

SIMULA MARCH 24, 2021 (MIYERKULES) ANG ISKEDYUL NG KONSULTA SA OPD AY ANG MGA SUMUSUNOD:

LUNES - CORON
MARTES - BUSUANGA
MIYERKULES - LINAPACAN AT CULION
HUWEBES - BUSUANGA
FRIDAY - CORON

Kung may mga katanungan maaaring tumawag sa
OPD HOTLINE : 09201021794

Anunsyo ng CSGH:

Wala pong Face to Face Consultation bukas ang CSGH, dahil magkakaroon ng vaccination ang mga empleyado ng ospital.

Maraming salamat po.

08/03/2021

ADVISORY #40
March 6, 2021

Ang buong mundo ay matyagang naghintay at umasa, nanalangin at naghangad na sana sa lalong madaling panahon ay magkaroon na ng BAKUNA laban sa COVID-19 virus, na sa magpa hanggang ngayon ay patuloy na kumakalat sa sandaigdigan at nagpapahirap sa mga mamamayan.

Sa pagtutulungan ng mga bansa, mga dalubhasa at manananaliksik and BAKUNA laban sa COVID-19 ay natuklasan na at maari nang gamitin upang mapigil na ang pagkakasakit at mahinto na ang pandemya.

Sa pakikipagtulungan ng ating pamahalaan at ng bansang China at pagsusumikap ng DOH at iba’t-ibang ahensya, nabiyayaaan at napasama ang Culion Sanitarium and General Hospital sa nabigyan ng SINOVAC Vaccine. Ito ay dumating na sa Culion nuong Biyernes, Marso 05, 2021.

Pinasasalamatan ng pamunuan at mga kawani ng CSGH ang ating butihing Gobernador Jose C. Alvarez sa kanyang kabutihan at pagmamahal sa CSGH na madala at maihatid kaagad sa Culion ang Bakuna gamit ang kanyang pribadong eroplano.

Sa Marso 07, 2021 (Linggo) and mga kawani ng CSGH ay tatanggap na ng BAKUNA laban sa Covid-19 Virus (SINOVAC), upang maging ligtas sa kanilang patuloy na paglilingkod sa mga pasyenteng may COVID-19 sa BCCL area.

Nagpapasalamat ang CSGH sa mga sumusunod sa kanilang tulong at koordinasyon upang makarating ang bakuna sa hospital ng ligtas at maayos na maisagawa ang vaccine Roll-Out:
1. Culion LGU
2. Cuilion PNP
3. Culion Bureau of Fire
4. LCC Administration

Ito ay pasimula pa lamang ng isang malawakang pagbabakuna ng mamamayan laban sa COVID-19 virus. Kapag ito ay available at dumating na sa BCCL/Calamianes, hinihikayat at pinapapayuhan ang lahat na pwedeng tumanggap ng COVID-19 vaccine na magpabakuna. Ito ay ligtas at mabisa upang hindi magkasakit at mahinto na ang pagkalat ng sakit sa pamayanan.

Maging maingat, makilahok at magpabakuna laban sa COVID-19.
RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!

MARAMING SALAMAT PO.

Together We Shall Overcome
CSGH Management

26/02/2021

ADVISORY #39
February 26, 2021

Ipinapaalam ng Culion Sanitarium and General Hospital na ang Molecular Diagnostic Laboratory para sa COVID-19 ay bukas na para sa lahat ng gustong magpa-swab testing o RT-PCR simula sa March 1, 2021. Maaaring magpa-test ang mga mamamayan (returning residence) ng BCCL, Authorized Person Outside Residence (APOR) at mga turista na pupunta sa Calamianes o mga individual na gustong magtravel sa ibang lugar, o sino man na nangangailangan ng RT-PCR testing.

Ang Molecular Diagnostic Laboratory ay tatanggap ng kliyente simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Nagkakahalaga ng P3,800.00 ang bawat test at makukuha ang resulta sa loob ng 24-48 oras.

Para sa lahat ng interesado, sundin po ang mga alituntunin:

1. Para sa kukuha ng appointmet schedule ng inyong RT-PCR swab testing, maglog-in sa page: CSGH Swab Test Online Registration o tumawag o mag-text sa Contact Number: 0946 947 5619 simula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes maliban kung matapat sa holiday.

2. Walang Walk-in Clients ang tatanggapin. Ang hindi makapunta sa araw ng kanyang appointment ay kinakailangang kumuha ulit ng appointment schedule.

3. Dalhin ang appointment slip at ipakita sa CSGH Patient’s Holding Area staff (PPA-Culion) para sa triaging bago pumunta sa ospital, at para sa taga Culion ay ipakita sa hospital gate triaging nurse.

4. Magdala ng valid ID para sa wastong pagkakakilanlan.

Samantala, habang wala pang bakuna laban sa COVID-19, patuloy pa din nating sundin ang mga alituntunin ng ospital patungkol sa “New Normal”. Magsabi ng totoong nararamdaman at tamang detalye kung may mga sintomas at iulat ang travel history. Tamang pagsuot ng medical facemask at face shield, physical distancing, paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol-based hand rub at pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan.

MARAMING SALAMAT PO.

Together We Shall Overcome
CSGH Management

Address

Brgy. Tiza, Palawan
Culion
5315

Opening Hours

Monday 9am - 3pm
Tuesday 9am - 3pm
Wednesday 9am - 3pm
Thursday 9am - 3pm
Friday 9am - 3pm

Telephone

+639469475619

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CSGH Swab Test Online Registration posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to CSGH Swab Test Online Registration:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category