Cuyapo Infirmary

Cuyapo Infirmary Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cuyapo Infirmary, Hospital, Cuyapo.

Oplan Tuli 2026Day 4 ❤️SA LAHAT PO NG HINDI PA NAKAPAG PALISTA, MAGTUNGO PO KAYO SA BRGY. HEALTH WORKERS NG INYONG BRGY ...
14/04/2026

Oplan Tuli 2026
Day 4 ❤️

SA LAHAT PO NG HINDI PA NAKAPAG PALISTA, MAGTUNGO PO KAYO SA BRGY. HEALTH WORKERS NG INYONG BRGY UPANG DOON NA PO KAYO MAGPALISTA.

MAGHINTAY NG ANUNSYO SA MAGIGING SCHEDULE SA MGA BRGY NA PUPUNTAHAN

OPLAN TULI SA BARANGAY ‼️Narito ang listahan ng mga napiling barangay kung saan gaganapin ang OPLAN TULI.Mahalagang Paal...
13/04/2026

OPLAN TULI SA BARANGAY ‼️

Narito ang listahan ng mga napiling barangay kung saan gaganapin ang OPLAN TULI.
Mahalagang Paalala:
• Ang unang labinlimang (15) magpapalista sa bawat barangay lamang ang mabibigyan ng serbisyo.
• Magparehistro sa inyong Barangay Health Workers (BHWs).
• Alamin at tandaan ang iskedyul at lugar ng operasyon para sa inyong barangay na nakasaad sa listahan.
• Siguraduhing nasa tamang oras at lugar upang kayo ay mabigyan ng serbisyo.
Magpalista na at huwag magpahuli!

Oplan Tuli 2026Day 3 ❤️SA LAHAT PO NG HINDI PA NAKAPAG PALISTA, MAGTUNGO PO KAYO SA BRGY. HEALTH WORKERS NG INYONG BRGY ...
10/04/2026

Oplan Tuli 2026
Day 3 ❤️

SA LAHAT PO NG HINDI PA NAKAPAG PALISTA, MAGTUNGO PO KAYO SA BRGY. HEALTH WORKERS NG INYONG BRGY UPANG DOON NA PO KAYO MAGPALISTA.

MAGHINTAY NG ANUNSYO SA MAGIGING SCHEDULE SA MGA BRGY NA PUPUNTAHAN

Oplan Tuli 2026Day 2 ❤️SA LAHAT PO NG HINDI PA NAKAPAG PALISTA, MAGTUNGO PO KAYO SA BRGY. HEALTH WORKERS NG INYONG BRGY ...
08/04/2026

Oplan Tuli 2026
Day 2 ❤️

SA LAHAT PO NG HINDI PA NAKAPAG PALISTA, MAGTUNGO PO KAYO SA BRGY. HEALTH WORKERS NG INYONG BRGY UPANG DOON NA PO KAYO MAGPALISTA.

MAGHINTAY NG ANUNSYO SA MAGIGING SCHEDULE SA MGA BRGY NA PUPUNTAHAN

Oplan Tuli 2026First day ❤️SA LAHAT PO NG HINDI PA NAKAPAG PALISTA, MAGTUNGO PO KAYO SA BRGY. HEALTH WORKERS NG INYONG B...
07/04/2026

Oplan Tuli 2026
First day ❤️

SA LAHAT PO NG HINDI PA NAKAPAG PALISTA, MAGTUNGO PO KAYO SA BRGY. HEALTH WORKERS NG INYONG BRGY UPANG DOON NA PO KAYO MAGPALISTA.

MAGHINTAY NG ANUNSYO SA MAGIGING SCHEDULE SA MGA BRGY NA PUPUNTAHAN

01/04/2026
𝙎𝘼𝙂𝙄𝙋 𝙈𝘼𝙏𝘼 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙈𝘼𝙇𝙄𝙉𝘼𝙒 𝙉𝘼 𝘽𝙐𝙆𝘼𝙎𝗠𝗔𝗥𝗖𝗛 𝟬𝟯,𝟮𝟬𝟮𝟲FREE CATARACT CHECK-UP/SCREENINGFREE PTERYGIUM(PUGITA) SCREENINGFREE 100...
03/03/2026

𝙎𝘼𝙂𝙄𝙋 𝙈𝘼𝙏𝘼 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙈𝘼𝙇𝙄𝙉𝘼𝙒 𝙉𝘼 𝘽𝙐𝙆𝘼𝙎
𝗠𝗔𝗥𝗖𝗛 𝟬𝟯,𝟮𝟬𝟮𝟲

FREE CATARACT CHECK-UP/SCREENING
FREE PTERYGIUM(PUGITA) SCREENING
FREE 100 READING GLASS (FOR THE FIRST 100 PATIENTS)

Place : CUYAPO EVENT CENTER (BESIDES CUYAPO AUDITORIUM)

Para sa inyo Ginang Amada Pilar Tomas,Nais po naming pabulaanan ang paratang na hindi naasikaso ang inyong anak. Ipapaal...
24/01/2026

Para sa inyo Ginang Amada Pilar Tomas,
Nais po naming pabulaanan ang paratang na hindi naasikaso ang inyong anak. Ipapaalala po namin sa inyo ang tunay na pangyayari noong mga oras na dinala ninyo ang inyong anak sa aming pasilidad.
Dumating po kayo at ang inyong anak noong ika-19 ng Enero bandang 12:08 ng madaling-araw. Agad po siyang inasikaso ng mga nars na naka-duty, kabilang ang pagkuha ng vital signs at paggawa ng kaukulang rekord. Kaagad ding ipinaalam sa naka-duty na doktor ang pagdating ng pasyente; sa mga oras na iyon, ang doktor ay kasalukuyan ring umaasikaso ng mga pasyenteng naka-admit sa ward.
Batay sa paunang pagsusuri, ang inyong anak ay may stable na vital signs at walang palatandaan ng respiratory distress o hirap sa paghinga. Bandang 12:17 ng madaling-araw, habang papasok na sana ang doktor sa Emergency Room upang suriin ang inyong pasyente, may dumating na pasyenteng nasangkot sa isang vehicular accident na may aktibong pagdurugo. Dahil dito, ang naturang pasyente ay agad na binigyang-priyoridad na atensyon.
Habang sinusuri ng doktor ang pasyenteng nasangkot sa aksidente, nilapitan siya ng inyong asawa at nagtanong kung bakit hindi pa nauunang asikasuhin ang inyong anak. Ipinaliwanag ng doktor na pansamantala lamang niyang ia-assess ang trauma patient. Pagkaraan nito, kayo ay pumasok at nagsimulang magtaas ng boses sa doktor, tinatanong kung bakit hindi inuuna ang inyong pasyente.
Muling nagpaliwanag ang doktor na pansamantala lamang niyang susuriin ang trauma patient. Gayunpaman, nagpatuloy ang inyong galit kaya’t pinaupo na lamang kayo ng doktor upang mapakinggan ang likod ng inyong anak. Habang isinasagawa ito, patuloy pa rin kayo sa pagsasalita hanggang sa bigla na lamang kayong nag-walkout at nagbanta na ipapatanggal ninyo ang doktor na siyang sumuri sa inyong pasyente ayon sa nakarinig na kawani ng aming pasilidad.
Tungkol naman po sa inyong pahayag na sinabi umano ng mga nars na walang doktor noong mga oras na iyon, ito po ay walang katotohanan. Sa katunayan, matapos makuhanan ng vital signs ang inyong anak, agad na ipinaalam sa doktor ang kanyang pagdating.
“Batay sa masusing pagsusuri ng CCTV footage, ang nabanggit na pangyayari—mula sa oras ng pagdating ng pasyente hanggang sa oras ng pag-walkout ng magulang—ay tumagal lamang ng 17 minuto. Malinaw na agad na naasikaso ang pasyente at malinaw rin na walang naganap na pagpapabaya, taliwas sa akusasyon ng magulang ng pasyente.”
Nais din po naming ipabatid sa inyo na may sinusunod na tamang sistema sa paglalapat ng serbisyong medikal sa lahat ng pasyente, at ito ay nakabatay sa kalagayan at pangangailangan ng pasyente.

PAALALA SA LAHAT!!!

Ang Cuyapo Infirmary ay may itinakdang OPD hours para sa mga regular na konsulta/check up mula 9:00 AM – 12:00 NN at 1:00 PM – 5:00 PM, daily.
Simula 5:00 PM pataas, ang tinatanggap lamang po ay ang mga pasyenteng may mga kasong itinuturing na EMERGENCY.
Ang Emergency Room ay hindi pinaiiral ang sistemang “first come, first served.” Ipinapatupad ang TRIAGE SYSTEM, kung saan inuuna ang mga pasyenteng nangangailangan ng agarang lunas at atensyong medikal.
Ang mga doktor ay may sapat na kaalaman at propesyonal na kakayahan upang magsagawa ng triage batay sa kalagayan at pangangailangan ng pasyente, at hindi po batay sa oras ng pagdating.
Maraming Salamat po.

Pahayag sa PublikoMahal na mga kababayan,Kami po ay nagagalak na ipaalam sa inyo na ayon sa ating bagong halal na Punong...
12/01/2026

Pahayag sa Publiko
Mahal na mga kababayan,
Kami po ay nagagalak na ipaalam sa inyo na ayon sa ating bagong halal na Punong bayan, Kagalang-galang General Jose S. Hidalgo Jr., simula sa araw na ito, Hulyo 1, 2025, ang lahat ng serbisyo sa ating pampublikong pagamutan/Cuyapo Infirmary ay magiging libre. Wala nang babayaran ang ating mga mamamayan para sa mga pangunahing serbisyong medikal at pangangalaga sa kalusugan.
Libreng serbisyong medikal at pangangalagang pang kalusugan kabilang ang mga piling gamot na makukuha sa Infirmary at laboratoryong pagsusuri na available sa RHU
Ayon sa ating Kagalang-galang na Mayor Jose S. Hidalgo Jr., ang layunin ng hakbang na ito ay mas mapabuti ang kalusugan ng ating komunidad at masiguro na ang bawat isa ay may access sa kinakailangang medikal na atensyon. Kami po ay umaasa na ito ay makakatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa mga nangangailangan.
Maraming salamat at patuloy na mag-ingat!

General Hidalgo Batang Cuyapo
Batang Cuyapo Bayan Panalo

Address

Cuyapo
3117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cuyapo Infirmary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Cuyapo Infirmary:

Share

Category