08/10/2025
Tapos kaming maliliit na nagnenesogsyo ang nag aabono sa di nila pag babayad ng tax, minsan kaming maliliit pa yung pinag hihigpitan nyo. Di na kayo na-awa. sana BIR maging accountable din kayo for the longest time di nyo rin na huli yan. kami nga ma late lang file ng 1 day kahit lumohod pa kami sa harap ninyo penalty agad sabayan pa ng mga staff ninyo na ang liliit ng tingin sa amin, sana kayo rin maging accountable.
Ngayong araw, nagsampa kami ng multiple tax charges laban kina Pacifico “Curlee” Discaya II, Cezarah Rowena “Sarah” Cruz Discaya, at isang corporate officer ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corporation.
Batay sa aming imbestigasyon, may kabuuang ₱7.1 bilyon silang hindi nabayarang buwis mula sa individual income taxes, excise taxes ng siyam na luxury vehicles, at documentary stamp taxes sa mga transaksiyong hindi kailanman na-file o nabayaran.
Ito pa lamang ang simula. Ang mga kasong ito ay nakatuon sa kanilang personal tax liabilities; patuloy pa ang aming audit sa mga kumpanyang pag-aari ng mga Discaya, at inaasahan naming mas marami pang tax deficiencies ang mabubunyag.
Walang contractor o opisyal ng gobyerno ang dapat makalusot sa pananagutan. Ang hindi pagbabayad ng buwis ay isang mabigat na paglabag sa batas, at sisiguraduhin naming mapanagot ang mga sangkot.
Kung may alam kayong contractor na umiilag sa kanilang obligasyon, isumbong sa commissioner@bir.gov.ph.
Follow Commissioner Lumagui’s official accounts: IG & TikTok: