23/12/2025
Bilang paghahanda sa paparating na Holiday Season, pinaaalalahanan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, sa pamumuno ni Acting Governor Engr. Joseph Ascutia at katuwang ang Provincial Health Office, ay nagpapaalala sa lahat na gawing prayoridad ang kalusugan. Mahalaga ang pagiging maingat sa mga pagkaing kinakain at ang pag-iwas sa mga panganib na dulot ng paputok upang masiguro ang masaya at mapayapang pagdiriwang sa bawat tahanan.
Hinihikayat ang bawat CamNorteรฑo na isabuhay ang disiplina sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Iwasan hanggaโt maaari ang labis na matatamis, maalat, matataba, at mamantikang pagkain na kadalasang nagiging sanhi ng sakit tuwing may handaan.
2. Gumamit ng mga ligtas at alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon sa halip na mapanganib na paputok.
3. Unahin ang kaligtasan ng buong pamilya upang maiwasan ang aksidente at emergency.
Ang mga paalalang ito ay bahagi ng ating sama-samang adhikain na mapanatili ang pampublikong kalusugan at kaayusan sa buong lalawigan. Sa pagpili ng mas ligtas at responsableng paraan ng pagdiriwang, masisiguro natin ang isang masigla at handang komunidad sa pagharap sa mga hamon at oportunidad ng darating na bagong taon.
Happy Holidays, Camarines Norte! ๐โก