City Health Office Dagupan

City Health Office Dagupan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Health Office Dagupan, Medical and health, Perez Market Site, Herrero Perez, Dagupan City.

16/10/2025

LIBRENG MAMMOGRAM PARA SA MGA DAGUPEÑA!

We are inviting all women 40 years old and above (Dagupeñas) na magpa-FREE mammogram sa ating Diagnostic Center sa darating na October 21, 2025, 8:00 AM.

Mahalaga ang mammogram, lalo na para sa mga kababaihan 40 pataas. Ito ang pinaka-epektibong paraan para ma-detect ng maaga ang breast cancer kahit wala pang lumalabas na sintomas. Early detection ay nangangahulugang mas mabilis ang gamutan at mas mataas ang tsansa ng full recovery.

Ayon sa health experts, regular mammograms can lower breast cancer deaths by up to 40%. Kaya huwag na pong ipagpaliban, sama-sama tayong magpa-check up para sa ating kalusugan.

Pa-check up na, prevent breast cancer!

Tiyakin ang malusog na kinabukasan ni baby sa pamamagitan ng Newborn Screening (NBS)! 🍼📅 Isagawa ito pagkalipas ng 24 or...
16/10/2025

Tiyakin ang malusog na kinabukasan ni baby sa pamamagitan ng Newborn Screening (NBS)! 🍼
📅 Isagawa ito pagkalipas ng 24 oras ng kapanganakan
🏥 Available sa mga ospital, lying-in, health center, at PhilHealth-accredited facilities
🩺 Maagang pagtukoy, maagap na gamutan — kalusugan ni baby, ating prioridad!
📲 Kasama ito sa PhilHealth Newborn Care Package! I-scan ang QR code sa poster para sa listahan ng accredited facilities.



High Five para sa Handwashing! 🧼💧Ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos magluto, kumain, gumamit ng p...
16/10/2025

High Five para sa Handwashing! 🧼💧
Ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos magluto, kumain, gumamit ng palikuran, maglinis ng dumi ng bata o matanda, at maglinis ng kapaligiran.
Panatilihing ligtas at protektado ang buong pamilya laban sa sakit! 💪
🗓️ October 15 — Global Handwashing Day!
Be a ! 🌍💙

04/10/2025
03/10/2025

EARLY DETECTION SAVES LIVES 🤗🩷

Ngayong Oktubre, nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa pagdiriwang ng Breast Cancer Awareness Month.

Tandaan, ang maagang pagpapatingin at pagpapasuri ay nakakaligtas ng buhay.

Pinaalalahanan ang publiko na mayroong libreng Mammogram (except Wednesday) para sa mga kababaihan for early detection of breast cancer. Magtungo lamang sa ating City Health Office na matatagpuan sa barangay Herrero-Perez.

Mas mataas ang tsansa na magamot ang thyroid cancer kung ito’y maagang matukoy!👩‍⚕️ Magpakonsulta agad sa inyong healthc...
26/09/2025

Mas mataas ang tsansa na magamot ang thyroid cancer kung ito’y maagang matukoy!
👩‍⚕️ Magpakonsulta agad sa inyong healthcare provider kapag nakaranas ng alinman sa mga sintomas:
✅ Hirap sa paglunok o paghinga
✅ Pamamaos
✅ Paninikip o pananakit ng leeg o lalamunan
✅ Namamagang kulani o bukol sa leeg
💜 Panatilihing malusog ang katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya, regular na ehersisyo, at pag-iwas sa bisyo.
📲 Para sa dagdag na impormasyon at benepisyo para sa mga pasyenteng may kanser, i-scan ang QR code o bisitahin ang 👉 linktr.ee/DOHCancerSupport



🚨IWASAN ANG BANTA NG LEPTOSPIROSIS! 🚨Dahil sa malakas na ulan na dala ng Super Typhoon Nando, nakaantabay na ang mga ape...
22/09/2025

🚨IWASAN ANG BANTA NG LEPTOSPIROSIS! 🚨

Dahil sa malakas na ulan na dala ng Super Typhoon Nando, nakaantabay na ang mga apektadong lugar sa posibleng malawakang pagbaha. Ang bahang ito ay maaaring magdala ng bakterya na nagdudulot ng Leptospirosis.

Mga hakbang para maiwasan ang sakit:

1️⃣ Iwasang lumusong sa baha.

2️⃣ Agad maghugas o maligo kung lumusong sa baha.

3️⃣ Kumonsulta sa doktor para sa tamang gamutan.




🚨 MAGING MAINGAT SA PAG-INOM NG ANTIBIOTICS 🚨💊 Ang Doxycycline ay ginagamit laban sa bakterya na Leptospira, na maaaring...
22/09/2025

🚨 MAGING MAINGAT SA PAG-INOM NG ANTIBIOTICS 🚨

💊 Ang Doxycycline ay ginagamit laban sa bakterya na Leptospira, na maaaring makuha sa kontaminadong baha o putik kapag nakapasok sa sugat o galos.

‼ Huwag basta-basta uminom ng Doxycycline o anumang antibiotic nang walang payo ng doktor. Kapag mali ang paggamit, maaaring mawalan ng bisa ang gamot laban sa mga mikrobyo.

🏥 Paalala ng DOH: magpakonsulta sa health center kung lumusong sa baha, may sugat man o wala, para sa tamang rekomendasyon ng iyong doktor.




⚠️ MAG-INGAT SA BANTA NG PAGKALUNOD DAHIL SA BAHA ⚠️Inaasahan ang pagbaha sa ilang lugar sa Luzon, bunsod ng malawakang ...
22/09/2025

⚠️ MAG-INGAT SA BANTA NG PAGKALUNOD DAHIL SA BAHA ⚠️

Inaasahan ang pagbaha sa ilang lugar sa Luzon, bunsod ng malawakang pag-ulan dala ng Super Typhoon Nando, ayon sa huling weather advisory ng PAGASA.

Pinaaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-ingat sa pagkalunod, lalo na sa mga nakatira sa mga lugar na madaling bahain o malapit sa mga ilog.

Tignan ang flood advisory ng DOST-PAGASA para malaman ang lagay ng mga ilog at iba pang sangang-ilog sa inyong lugar.

Narito ang ilang paalala para maiwasan ang pagkalunod.





21/09/2025

🚨 LABANAN ANG MGA SAKIT NGAYONG TAG-ULAN 🚨

Kasabay ng posibleng epekto ng Super Typhoon Nando sa mga kabahayan at ari-arian, tumataas din ang panganib ng iba’t ibang sakit.

Protektahan ang pamilya sa pamamagitan ng:

1️⃣ Pagsubaybay sa anunsyo ng PAGASA at lokal na pamahalaan.

2️⃣ Pagsagawa ng TAOB, TAKTAK, TUYO, TAKIP para walang pamahayan ang lamok.

3️⃣ Pananatili sa bahay kapag may sakit.

4️⃣ Agarang pagpapakonsulta kapag may nararamdamang sintomas.

❗️Tandaan: Tumawag sa National Emergency Hotline 911 o sa inyong lokal na emergency hotlines kapag nangailangan ng tulong ❗️




🚨 MAGHANDA SA POSIBLENG EPEKTO NANG PAGTAAS NG TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL (TCWS) SA LUZON 🚨✅ Paalala ng DOH: Abangan a...
21/09/2025

🚨 MAGHANDA SA POSIBLENG EPEKTO NANG PAGTAAS NG TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL (TCWS) SA LUZON 🚨

✅ Paalala ng DOH: Abangan ang anunsyo ng PAGASA tungkol sa TCWS sa iyong lugar at umaksyon batay sa abiso ng iyong lokal na pamahalaan.

✅ Sundan ang mga sumusunod na hakbang para panatilihing ligtas ang sarili at buong pamilya.

✅ Tumawag sa National Emergency Hotline 911 o sa inyong lokal na emergency hotlines kapag nangangailangan ng tulong.




Address

Perez Market Site, Herrero Perez
Dagupan City
2400

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63755228206

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Office Dagupan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to City Health Office Dagupan:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram