23/04/2020
BREAKING: From Gov. Jonvic Remulla
Prepare and Endure
Pagkatapos ko basahin ang mga pinakahuling datos at pangangaral, ito po ang aking mga tingin na padating,
1. Bagamat sa Cavite ay pabagal na ang pagkalat dahil sa pagkakaisa ng karamihan, ang pandemic ay hinde pa tapos.
A. Mabilis pa rin ang pagkalat sa metro manila at ibang lalawigan
B. Kulang pa rin tayo sa testing, at kakayahan mag-test, para sa bansa.
C. Ayon sa pagaaral, kung ngayon ay matapos ang ECQ, ay pwedeng umabot ng 50,000 ang mamatay sa buong bansa.
2. Here are the plans for the Province of Cavite.
A. Targeted Testing has to cover 100,000 by mid April of the high risk front liners by mid May.
B. 300,000 na kasama ang mga delikado magkalat ng pandemic
- Lahat po ng food handlers sa palenke, grocery, drug store, supermarket, talipapa, sari-sari store, slaughter house
- Lahat po ng PNP, BHERTS, BHW’s, at iba pang exposed sa nakaraan na 40 na araw.
- Lahat ng PUV, PUJ, Padyak, Bus, Ankas, drivers. Kung sila po ay may sakit ay malaki ang pagkakataon na kumalat sa kanilang pasahero.
- Lahat ng nagtratrabaho sa mga pabrika ng EPZA, FCIE, PTC, Gateway, at iba pa.
C. Ang madalian release ng app, ID, at QR code sa LAHAT Ng taga-Cavite para sa contact tracing at information campaign.
D. Full implementation of the Free WiFi project to cover 100% of the public areas in the province.
- Ito ay para pwedeng mas maikli ang school hours at school week ng mga studyante
- Ito ay para sa information campaign.
- Targeted for 2 hours a day for free in public spaces.
- Setting up computer centers in every barangay so that people can work, study, and communicate for free.
3. Hintayin natin ang mga pahayag ng ating mga mayor ukol sa food relief program.
4. Hintayin natin ang DSWD at DOLE ukol sa SAP. WALA po sa LGU ang desisyon sa bagay na ito. I repeat, the LGU’s have NO CONTROL over this.
I stand with the President in whatever decision he makes. I am sure that he is guided by experts and always has the best intentions of the country at heart. Whatever his decision is, we are preparing continuously.