14/02/2026
📣📣📣 BAGO ANG LAHAT KAILANGAN MALAMAN MO ITO 📣📣📣
Ang pagtatalik ay isang paraan upang makapagintroduce ng bacteria mula sa labas papunta sa pantog na nagdudulot ng UTI.
Ang paulit-ulit na UTI ay hindi lang hassle, kung di pwedeng maging sanhi ng kidney disease kapag pinabayaan.
Ilang mga paraan upang makaiwas sa UTI:
✅ Umihi bago at pagkatapos ng s*x. Naifflush out nito ang mga bacteria na maaaring nakapasok during in*******se.
✅ Maghugas ng mga kamay at ari bago at pagkatapos ng s*x. Iwas contamination with cleanliness
✅ Gumamit ng lubrication: nakakabawas ito ng friction at irritation sa daluyan ng ihi na maaaring mauwi sa infection
✅ May mga forms of contraception na nakakaapekto sa good bacteria sa va**na gaya ng mga spermicides. Ang diaphragm naman ay nagpapataas din ng chance ng UTI. Kung prone ka sa UTI, pwedeng kausapin ang inyong doktor for alternative forms of contraception.