Pagamutan ng Dasmariñas - Health Education and Promotion Unit

Pagamutan ng Dasmariñas - Health Education and Promotion Unit PHU, kasama ang HEPU, HESU at HCPN nagkakaisa para sa pagtataguyod ng ligtas at mas malusog na Dasmarineños PD Public Health Unit (HESU, HEPU, HCPN)

‼️KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS, BUMABA SA UNANG DALAWANG LINGGO  NG OKTUBRE; DOH, NILINAW NA WALANG OUTBREAK‼️🛡️Narito...
21/10/2025

‼️KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS, BUMABA SA UNANG DALAWANG LINGGO NG OKTUBRE; DOH, NILINAW NA WALANG OUTBREAK‼️
🛡️Narito ang mga paraan kung paano natin mapoprotektahan ang ating sarili, isa’t isa, at ang komunidad laban sa Influenza-like Illness (ILI):

✅ Ugaliin ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon;
✅ Takpan ang bibig o ilong kapag uubo o babahing; at
✅ Sapat na tulog, pagkain nang tama, at pag-inom ng maraming tubig.
Kung makaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, o pananakit ng lalamunan o katawan:
✅Manatili muna sa bahay upang maiwasan ang pagkahawa ng iba;
✅Maaaring uminom ng gamot para maibsan ang nararamdamang sintomas, gaya ng paracetamol kung may lagnat; at
✅Agad kumonsulta sa pinakamalapit na health center, pasilidad, o ospital para sa tamang payo at angkop na gamutan.

Isang mahalagang paalala mula sa Pagamutan ng Dasmariñas - Official

.I.L.D

20/10/2025

‼️DOH: IT’S FLU SEASON, NOT AN OUTBREAK‼️

Ang flu season ay karaniwang naitatala ng DOH pagpasok ng tag-ulan hanggang sa pag-papalit ng monsoon season mula Habagat papuntang Amihan.

Kung matatandaan, ideneklara ng PAGASA ang tag-ulan noong June at opisyal na nag tapos ang Habagat nitong Oktubre—isang hudyat na maaaring anumang oras ay mag-transition na ang Pilipinas sa Amihan.

Ayon sa DOH, 39% na mas mababa ang kaso ng Influenza-like illness o (ILI) sa unang dalawang linggo ng Oktubre kumpara sa huling dalawang linggo ng Setyembre (tingnan ang datos: https://www.facebook.com/share/p/17LN3RjcYX/?mibextid=wwXIfr)

Nilinaw ng DOH na walang outbreak. Pero dahil nasa karaniwang panahon tayo ng flu, pinag-iingat pa rin ang publiko para maiwasan ang pagkakasakit.

Kahit na walang outbreak, may kapangyarihan ang mga Gobernador at Mayor ng inyong lugar para magrekomenda ng mga hakbang sa pag-iwas sa sakit, base sa pangangailangan ng inyong lugar. Ang mandatong ito ay ayon sa R.A. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Panoorin ang video.




‼️KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS, BUMABA SA UNANG DALAWANG LINGGO  NG OKTUBRE; DOH, NILINAW NA WALANG OUTBREAK‼️Nakapagt...
18/10/2025

‼️KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS, BUMABA SA UNANG DALAWANG LINGGO NG OKTUBRE; DOH, NILINAW NA WALANG OUTBREAK‼️

Nakapagtala ang DOH ng 6,457 na kaso ng ILI sa bansa mula September 28 hanggang October 11, 2025. Mas mababa ito ng 39% kumpara sa sa naitalang 10,740 na kaso sa linggo ng September 14 hanggang September 27, 2025.

Bagamat maaari pang magbago dahil patuloy ang surveillance, mas mababa rin ito ng 25% kaysa sa naitalang 8,628 na kaso sa parehong panahon noong 2024.

Una nang nilinaw ni DOH Secretary Ted Herbosa na walang outbreak at hindi kakailanganin ng anumang lockdown dahil sa Influenza-Like Illness o ILI.

Gayunpaman, paalala ng DOH:
✅ Ugaliin ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon;
✅ Takpan ang bibig o ilong kapag uubo o babahing; at
✅ Sapat na tulog, pagkain nang tama, at pag-inom ng maraming tubig.

Kung makaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, o pananakit ng lalamunan o katawan:

✅Manatili muna sa bahay upang maiwasan ang pagkahawa ng iba;
✅Maaaring uminom ng gamot para maibsan ang nararamdamang sintomas, gaya ng paracetamol kung may lagnat; at
✅Agad kumonsulta sa pinakamalapit na health center, pasilidad, o ospital para sa tamang payo at angkop na gamutan.

Balikan ang PinaSigla Episode 12 dito:
📌 https://www.facebook.com/share/v/1ACa2xdxk9/?mibextid=wwXIfr

📌 https://youtu.be/1kaJdbQEOtw?si=l5qqV4MEXl5j1F4N





💪🦴 Bone and Joint Awareness Week! 🦴💪Strong bones and healthy joints are the foundation of an active, pain-free life! 🩺✨T...
15/10/2025

💪🦴 Bone and Joint Awareness Week! 🦴💪
Strong bones and healthy joints are the foundation of an active, pain-free life! 🩺✨

This Bone and Joint Awareness Week, Pagamutan ng Dasmariñas joins the call to promote bone and joint health — because prevention, early detection, and proper care can make all the difference. 🌿
📅 October 15 | 9:00 AM
📍 Pagamutan ng Dasmariñas
🎤 Lecture with Dr. Marlon Narbarte, Orthopedic Surgeon
🦴 Plus! 200 FREE Bone Screenings with Anlene
Enjoy free drinks for every participant — open to both employees and out-patient guests of our beloved Dasmarineñeo community! 💚✨
Let’s take steps toward better bone and joint health:
✅ Eat a balanced diet rich in calcium and vitamin D
🏃‍♀️ Stay active — exercise keeps your bones strong and joints flexible
🚭 Avoid smoking and excessive alcohol — these can weaken bone health
🩻 Listen to your body — don’t ignore pain; early consultation matters

Let’s move together toward a future of strong bones, healthy joints, and a life in motion! 💪🌿




🧡💛 Global Handwashing Day! 💛🧡🧼👍🏻 "It might be Gloves. It’s always Hand Hygiene!"🗓 October 13, 2025 | 9AMJoin the Infecti...
15/10/2025

🧡💛 Global Handwashing Day! 💛🧡
🧼👍🏻 "It might be Gloves. It’s always Hand Hygiene!"
🗓 October 13, 2025 | 9AM

Join the Infection Prevention and Control (IPC) Team led by Dra. Desiree Mae Yamat-Olazo, IPC Specialist and Beverly Alfuente, RN, IPC Nurse as Pagamutan ng Dasmariñas celebrates the importance of proper hand hygiene — held at the AVR! 🩺✨

📣 We need your support!
Kindly LIKE, COMMENT, and SHARE our TikTok entry for the PHA Hand Hygiene Contest! 💖

🧼 A fun reminder that clean hands save lives! 🙌
Let’s spread cleanliness, safety and good vibes throughout our hospital community! 💪😄

✨ Let’s make clean hands go viral — one golden handwash at a time! ✨





𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧? 𝐍𝐚𝐤𝐨, 𝐅𝐥𝐮 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐧𝐚 ‘𝐲𝐚𝐧!Kalimitang tumataas ang mga kaso ng Influenza-like Illnesses (ILI) tuwing nagpapa...
12/10/2025

𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧? 𝐍𝐚𝐤𝐨, 𝐅𝐥𝐮 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐧𝐚 ‘𝐲𝐚𝐧!

Kalimitang tumataas ang mga kaso ng Influenza-like Illnesses (ILI) tuwing nagpapalit ang panahon.

Gawing panangga ang tamang kaalaman upang maiwasan ang hawahan nito.




11/10/2025

BULKANG TAAL
Buod ng 24 oras na pagmamanman
11 Oktubre 2025 alas-12 ng umaga



Volcano: Taal
Alert Level: 1
Status Alert Level: Bahagyang aktibidad
Volcanic Earthquake: 20 volcanic earthquakes
Sulfur Dioxide Flux(SO2): 1829 tonelada / araw (30 Setyembre 2025)
pH: 0.3 (19 February 2025)
Temperature: 69.3 ℃ (09 October 2025)
Plume (Steaming): 2100 metrong taas; Malakas na pagsingaw; napadpad sa timog-kanluran, hilagang-silangan at kanluran-hilagang kanluran
Ground Deformation: Panandaliang pamamaga ng Taal Volcano Island

Source: DOST-PHIVOLCS
admin: nfb

11/10/2025
11/10/2025

Address

Burol II
Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pagamutan ng Dasmariñas - Health Education and Promotion Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Pagamutan ng Dasmariñas - Health Education and Promotion Unit:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram