01/12/2025
Ang sciatica (o siyatika) ay pananakit na nagmumula sa Sciatic nerve, ang pinakamahabang ugat sa katawan na dumadaan mula lower back (lumbar area) pababa sa pigi, hita, binti, hanggang paa.
Ano ang nararamdaman kapag may sciatica?
❗️Sakit sa lower back na umaabot pababa sa isang binti
❗️Parang kuryente, tusok-tusok, o kirot
❗️Pamamanhid o pangangalay ng binti
❗️Panghihina ng binti o paa
❗️Umaatake kapag nakaupo nang matagal, nagbubuhat, o biglang galaw
Ano ang sanhi?
💢Herniated disc (madalas na dahilan)
💢Muscle spasm sa lower back at buttocks
💢Spinal stenosis (pagkipot ng spinal canal)
💢Injury o pilay sa likod
💢Piriformis syndrome (pagkapisil ng sciatic nerve sa puwitan)
Paano maibsan?
✅Pagpahinga ngunit hindi palaging nakahiga
✅Warm compress / cold compress
✅Gentle stretching
✅Pain reliever na inireseta ng doktor
✅Physical therapy
Messages Directly kung nararanasan mo din ang mga ito…