04/03/2026
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐉𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐂𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔
Isang makabuluhan at produktibong Joint Council Meeting ang isinagawa ngayong March 4, 2026 sa pangunguna ni Dra. Mary Anne A. Barzaga, kung saan nagtipon ang mga miyembro ng Local Health Board, City Nutrition Council, at Local HIV AIDS Council upang pagtibayin ang mga programang pangkalusugan para sa CY 2026.
Katuwang sa pagpupulong sina OIC Provincial Health Team Leader ng Cavite Provincial DOH Officel Office na si Dr. Ferdinand Eusebio, gayundin ang Pagamutan ng Dasmariñas Chief of Hodpital na si Dr. Karlomagno Barzaga at Hospital Administrator na si Dr. Benedico Pascual Jr., kasama ang mga OIC ng limang (5) City Health Office at ipa pang departamento, opisina at stakeholders. Sama-sama nilang tinalakay ang mga accomplishment, kasalukuyang hamon, at mga target na programa para sa mas pinalakas at mas epektibong serbisyong pangkalusugan sa lungsod.
📌 Mga Natalakay na Agenda:
-Reorganization ng Local Health Board, City Nutrition Council at Local HIV AIDS Council
-Health Indicators, FHSIS Data at iba pang PPAs
-Dengue Case Update
-Paghahanda para sa Summer Season at Semana Santa
-Upcoming Health Events
-Heat-Related Illness Prevention and Response
-Health Promotion Accomplishments at Targets
-Henipah/Nipah Virus Information Dissemination
-Communication Plan para sa nalalapit na MR-SIA sa Hunyo 2026
-Ulat ng Dasmariñas Social Hygiene Clinic.: HIV Accomplishments, Targets at Action Plan
-Ulat ng Dasmariñas City Nutrition Unit: Accomplishments, Targets at Action Plan
-Operation Timbang Plus
-Department of Education Accomplishments
-DOH Updates at Technical Assistance
Pinagtibay sa pagpupulong ang kahalagahan ng data-driven planning, maagap na disease surveillance, mas pinaigting na health promotion, at inter-agency collaboration upang matiyak ang mas ligtas at mas malusog na Dasmariñas.
Ipinakilala rin natin si Dr. Shahanie Lopez-Limbaga bilang bagong doktor ng Dasmariñas Social Hygiene Clinic., bagong makakatuwang sa programang HIV/AIDS ng lungsod.
Patuloy ang pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya upang maihatid ang dekalidad, abot-kaya, at inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa bawat Dasmarineño.
𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧. 💚🏥