27/10/2025
‼️DOH: LINISIN ANG MGA NAIIMBAKAN NG TUBIG DALA NG ULAN DAHIL PAMUMUGARAN ITO NG LAMOK DENGUE‼️
Muling nagpaalala ang DOH sa publiko na gawin ang Taob, Taktak, Tuyo at Takip sa mga naiimbakan ng tubig kapag umuulan. Dito kasi nangingitlog ang lamok Dengue na Aedes Aegypti.
Nauna nang nakapagtala ang bansa ng 14,131 na ka*o ng Dengue sa loob ng dalawang linggo mula September 14 hanggang September 27.
Mas mababa ito ng 11% kung ikukumpara sa 15,794 na ka*ong naitala noong August 31 hanggang September 13.
Samantala, may paunang bilang din ang kagawaran para sa unang dalawang linggo ng October na 8,460 na ka*o mula October 5 hanggang October 18 habang patuloy ang surveillance.
Muli, kung makaranas ng sintomas ng dengue gaya ng lagnat na may kasamang pagpapantal, pananakit ng katawan, kalamnan at mga mata, pagkahilo o pagsusuka ay agad na magpakonsulta.
Balikan ang PinaSigla Episode 13 dito:
📌 https://web.facebook.com/share/p/1adyqY1ZXn/
📌 https://www.youtube.com/watch?v=yNt0gzjOPAE&list=PL7amYNiWriCysYdFXyyXQdFeXvmWtBaGz&index=1