01/05/2023
know what ADHD is and what it isn't
📌WHAT ADHD IS AND WHAT IT IS NOT📌
☑️Ang ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder ay isa sa pinaka-common na neurodevelopmental disorder na nakaka-apekto sa kakayahan ng isang tao na magbigay-pansin, i-control ang kapusukan o mga simbuyo, at i-regulate ang behaviors.
☑️Maraming sintomas ang pagkakaroon ng ADHD kabilang na ang inattention katulad ng hindi pakikinig sa g**o sa klase, hyperactivity, pagiging disorganized, impulsivity o kawalan ng kakayahan na i-control ang sarili at pagkamalimutin.
☑️Ang ibang mga tao na may ADHD ay hirap din sa pag-follow ng directions, hirap sa time management, hirap tapusin ang mga gawain at hirap sa pag-tanda ng mga detalye, mga skills na importante kapag ang isang tao ay nag-aaral pa lang o maging sa trabaho.
☑️Karaniwang sa mga bata nakikita ang mga sintomas ng ADHD. Ang ibang mga sintomas ay unti-unting naagapan maski walang intervention habang ang isang bata ay lumalaki at nacocontrol ang kanilang mga behaviors. Ngunit maari ring mapektuhan ang trabaho at mga relasyon ng mga adult na may ADHD.
☑️Hindi pa rin alam kung ano nga ba ang sanhi ng pagkakaroon ng ADHD ng isang tao ngunit ayon sa mga research, posibleng may kinalaman ito sa genetics, sa brain structure at function, at mga environmental factors katulad ng paginom ng alak o pagkalulong sa droga habang pinagbubuntis ang bata, exposure sa mga chemicals, low birth weight, kakulangan sa prenatal health care, at iba pa.
☑️Para madiagnose ang isang tao ng ADHD, kailangang sumangguni sa isang qualified na professional katulad ng isang developmental pediatrician, psychologist, psychiatrist, o psychiatric nurse practioner (kung ikaw ay nasa US).
☑️Ang ADHD ay iba sa autism, ngungit maari ring madiagnose ng autism ang ibang bata na may ADHD.
☑️Ang ADHD ay hindi katulad ng dyslexia ngunit maari ring magkaroon ng problema sa pagbabasa, pagsi-spell, pagsusulat at pagiintindi ng mga binabasa ang isang batang may ADHD. May kaibahan ang intervention sa dalawang grupong ito.
☑️Ang ADHD ay hindi bunga ng poor parenting, kawalan ng disiplina sa bahay o paaralan, o ng iba pang mga naiisip na personal na kahinaan.
☑️Walang gamot para sa ADHD dahil ito ay hindi isang sakit kundi isang condition. May mga gamot na pwedeng macontrol ang ibang mga sintomas ng ADHD ngunit kapag hindi na iniinom ay babalik sa dati.
KUNG MAY MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA ADHD, SUNDAN KAMI SA AMING MGA SOCIAL MEDIA ACCOUNTS GAMIT ANG HASHTAG