22/10/2025
"Doc, pwede bang diretso opera nalang? Bago kailangan pa ng ultrasound/ CT scan bago mag biopsy o opera?"
Minsan, kahit na akala natin mababaw o maliit lang ang ating mga buko, malaki na pala sila, and malalim ang inaabot.
Delikado mag-opera na "blind", na hindi mo alam kung hanggang anong parte ng katawan ang kasama sa bukol. Baka may matamaan o ma-injure na importanteng bagay na makakadulot ng kapansanan o kamatayan sa pasyente.
Kailangan namin ng ultrasound, CT Scan, at minsan MRI para gamiting bilang gabay o mapa para maging "safe" ang pag biopsy o opera. Pag alam namin gano kalaki at kalalim talaga ang mga bukol, makakapaghanda kami nang mahusay at mas magiging succseful ang operasyon/ biopsy.