25/09/2025
Nasa kamay mo ang tamang dami ng pagkain!
Hindi mo kailangan ng timbangan o measuring cup para masukat ang wastong dami ng pagkain—gamitin lang ang iyong sariling kamay!
Palad– Katumbas ng tamang laki ng karne (3 oz)
Hinlalaki – Sukat ng mantikilya o peanut butter (1 kutsara)
Dulo ng daliri – Sukat ng mantikilya na ipapahid sa tinapay (1 kutsarita)
Kamao (harap) – Sukat ng pasta o kanin (½ tasa)
Buong kamao – Katumbas ng 1 tasa o 2 servings ng ice cream
Tandaan: Ang iyong kamay ang sukatan na akma para sa iyong katawan.
Mas madali, mas praktikal, at mas epektibo para mapanatili ang tamang nutrisyon.
Wastong dami ng pagkain, nasa iyong kamay!