08/12/2025
Health is wealth❤
Isang Tingin Ko Palang, Alam Ko na Kung Sino ang Insulin Resistant
It. Never. Fails.
Sabihin ko sa inyo.
Ang dalawang napapansin ko sa una:
✅ MAITIM ANG BATOK
"Acanthosis Nigricans" ang tawag dyan. Parang libag, na hindi naman libag. Kahit kuskusin mo ng husto, hindi naaalis. Nangyayari din yan sa mga folds ng balat: singit, tuhod, kilikili, braso. Sa sobrang insulin sa katawan, nasa overdrive ang melanin production sa areas na may friction at pawis.
✅ MALAKI ANG TIYAN
Sa sobrang dami ng carbs, over worked ang pancreas sa kakagawa ng insulin para mapanatiling normal ang blood sugar level. Ginagawang taba ang sobrang carbs: taba sa ilalim ng balat (subcutaneous) at taba sa organs (visceral)
Mapapansin nyo na karamihan ng mga kabataan ngayon, lalo na sa mga syudad, ganyan na. Matataba, malaki ang tyan, maitim ang batok, at puro high carbs and kinakain.
Kung makakasama nyo sila ng mas matagal, ito pa ang mga mapapansin nyo:
✅ HIGH CARB DIET
Kain ng kain sila ng rice, pandesal, loaf bread, noodles, spaghetti, ultra processed foods, fast foods, at mga matatamis. Araw araw. For decades!
Considering, isang kutsarita (tsp) lang ang blood glucose ng buong katawan, shock yan sa buong sistema. At fyi, yang 1 tsp glucose na yan, gagawin yan ng liver kahit zero ang carb na kinakain mo ("gluconeogenesis" ang term).
✅ MABILIS MAGUTOM
Kakakain pa lang ng high carb sa 7am, wala pang alas dose, gutom na ulit. At kung gutom, irritable na. "Hangry" ang tawag dyan.
Nag spike ang blood sugar (hyperglycemia), tapos spike ng blood insulin (compensatory hyperinsulinemia), tapos mag crash ang blood sugar (reactive hypoglycemia). Kaya kailangang mag high carb agad.
That is the very sad downward cycle of slow self destruction.
✅PITTING EDEMA SA LULOD (SHIN)
I press mo ng 30 seconds ang shin nila. Matagal bago bumalik sa normal. "Pitting edema" ang tawag dyan. Nag leak na ang tubig mula sa ugat dahil damaged na.
✅WALANG BUHOK SA DALIRI NG PAA
Damaged na ang hair follicles sa pinakamalayo sa puso. Yan ang mga paa. Hindi na nakakadaloy ng maayos ang dugo para ma nourish ang buhok.
Everytime na makakita ako ng ganyan, naaawa ako sa kanila, sa totoo lang. Pero hindi ko sinasabi sa kanila - wala akong karapatan.
Naawa ako sa kanila dahil alam ko na maigsi na ang kanilang buhay, magastos, very painful, at marami pa silang mararanasang kumplikasyon bago mamatay.
Try nyong mag obserba nyan sa ibang tao.
I wish you Health ❤️
Please share. Salamat 🙏
Note: Image is AI