14/09/2025
Ang FEMININE WASH ay HINDI NAKAKAGAMOT SA VAGINAL CANDIDIASIS (pangangati ng ari dahil sa yeast infection)😳. Pero maaring naiibsan nito ang pangangati, hapdi at pagkawala ng amoy sa ari. 😀
Ang gamot sa vaginal yeast infection ay ang mga anti fungal drugs tulad ng FLUCONAZOLE, MICONAZOLE at CLOTRIMAZOLE.
Huwag gumamit ng matatapang na sabon at scented feminine wash dahil maaring mairita ang ari .
Kung paulit ulit ang fungal infection- ipa evaluate mo sa doktor kung ano ang dahilan, maari kasi na baka umiinom ng SGLT2 inhibitors ( dapaglifloxin, empaglufloxin), may diabetes o gumagamit ng antibiotics . 😍