29/08/2025
PAG-IWAS SA BATO SA BATO O KIDNEY STONES
1. Uminom ng maraming tubig
Laging uminom ng tubig sa araw-araw. Ito ang pinakamadali at pangunahing paraan upang maiwasan ang pamumuo ng bato sa bato. Payo ng mga doktor, uminom ng hindi bababa sa 8 baso ng tubig kada araw.
2. Bantayan ang dami ng ihi
Maging mapagmatyag. Bantayan ang dami ng ihi na inilalabas araw-araw. Kung ang dami ay paunti nang paunti kada araw, maaaring senyales na ito ng pagbabara ng namuong bato sa daluyan ng ihi. Mahalagang malaman kaagad kung may pamumuo ng bato upang agad itong malunasan.
3. Bawasan ang pagkonsumo sa mga produktong gatas
Ang mga produktong gatas (dairy products) gaya ng keso at mantikilya, ay kilalang may mataas na taglay na mineral na calcium. Ang mineral na ito ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pamumuo ng bato sa bato, lalo na sa mga taong madaling pamuuhan ng calcium.
4. Bawasan ang pag-inom ng mga gamot na antacid
Ang mga gamot na pampawala ng pangangasim at hilab ng tiyan, gaya ng antacid, ay may taglay din na calcium. Kung madalas iinom ng gamot na ito, tataas din ang mineral na calcium sa dugo at maaring mamuo sa bato.
5. Bawasan ang pagkonsumo sa karne
Bukod sa calcium, isa pang substansya na maaaring mamuo sa bato ay uric acid. Mataas ang posibilidad ng pamumuo ng bato sa bato kung madalas kakain ng karne.
6. Bawasan ang pagkonsumo sa mga pagkaing mataas sa oxalate
Ang mga pagkain at inumin gaya ng tsokolate. tsaa, mani, at mga citrus fruit ay mataas sa oxalate. Ang oxalate sa mga pagkaing ito ay nakakapagpataas sa posibilidad ng pamumuo ng bato sa bato.
7. Damihan ang kinakaing may Vitamin A at B6
Ang mga pagkaing mayaman naman sa Bitamina A at B6 ay nakitaan ng ebidensyang nakakabawas ng oxalate sa dugo at nakakabuti din sa produksyon ng ihi sa bato. Kaya naman mas lumiliit ang posibilidad ng pamumuo ng mga mineral sa bato sa tulong ng mga bitaminang ito.
8. Regular na mag-ehersisyo
Siyempre pa, ang regular na pag-eehersisyo ay may benepisyong hatid sa kalusugan